3 MIN READ
Ni IVAN EMIL LABAYNE
www.nordis.net
Sa dilim ng galit
Sabi ng karelasyon ko, habang kausap ang mama niya sa at matapos ibalita ang nangyari sa matalik naming kaibigan sa kanayunan, Ang dilim ng panahong ito… galit, or something to that effect. Papalubog na ang araw, the sun is about to set, at papatapos na ang araw, the day is about to end, at didilim na ang paligid. Sa siyudad, muli nang gagana ang mga artipisal na pailaw, mga poste sa kalsada, mga bumbilya sa kani-kaniyang bahay. Depende sa panahon at kalagayan kung saan ka naroon, higit na ang pag-iingat at pag-aatubili na rin sigurong makauwi pag kumagat na ang dilim: noong Enhanced Community Quarantine (ECQ) ngayong taon dulot ng pandemya, alas-otso ang curfew, naurong ito sa alas-diyes noong Modified na ang ECQ. Noong Batas Militar, may curfew din, hindi ko lang alam kung anong oras; gaano na kababaw o kalalim ang gabi.
Madilim ang panahon at nasa hangin ang takot; galit at marahas ang mga may kapangyarihang dapat nga ay gamitin ito para sa ikabubuti, at hindi sa ikakabahala, ikaka-nerbyos ng marami.
Sa ganitong pagkakabit ng takot at pangamba sa pagsapit ng dilim, nananaig ang kahulugan ng “Ingat” na kaiba sa pagkakagamit ng isang patalastas ng gamot.
Ngunit ang “Ingat” na kaiba sa pinasikat ni John Lloyd ay hindi rin iisa. Maaaring isa lang ang ibig sabihin nila pero magkaiba ng pinanggagalingan, magkaiba ng pagtalos at pagharap sa kalagayan.
Sa pagsasabi ng ‘Ingat!’
Malamang nagmumula sa kaniyang concern sa amin, nag-chat si Mama ng something to the effect of O Ivan, pasado na ang Terror Law, ingat ingat din. Years ago, bumisita kami ni Jesa kay Tatay, lolo namin na nasa Bulacan. Pinakita niya sa amin yung mga kontribusyon nya sa The Torch, student publication ng noong-Philippine Normal College. Napunta ang usapan sa mga sulatin ko or post sa social media na minsan ay may kalakip na kritika sa pamahalaan, ‘ika nga ni Tatay. Sabay maniobra para sabihing Hinay-hinay lang sa mga patutsada, or something to that effect.
Ang gets kong pinagmumulan ng “Ingat” na minsang habilin sa akin ng mga kapamilya ay ang recognition na may dalang panganib ang pagiging “sobrang” kritikal sa mga nasa poder, lalo ngayon na wala nang pagpapanggap ng pasismo ng estado, patunay ang sunod-sunod na pagpatay sa mga human rights o peasant activists, advocates para sa mga isyu ng marginalized sectors. Dahil dito, kailangang mag-adjust, bawas-bawasan ang diin, ang tono o ang dalas ng pagpapahayag. Ang pagkilos ng mga mamamayan ang dapat mag-adjust, kailangang baguhin nang naaayon sa pinaiiral na kalagayan ng administrasyon.
(Unting sidenote rito: at telling siguro na si Rizal ang nagsulat nito. Sa Philippines: A Century Hence, sa konteksto ng panawagang magkaroon ng mga Pilipino bilang representatives sa Cortes, may kaugnay na implicit appeal sa pag-aadjust. Binanggit ni Rizal ang isang General Salamanca na tumututol sa pagkakaroon ng Filipino delegates dahil “they smell like Igorots” na kaya naman daw pabulaanan ng isang Don Sinibaldo de Mas “who saw the Igorots in person and wanted to live with them” and who “can affirm that they will smell at worst like powder” na siguro naman daw ay pasado na sa sensitibong pang-amoy ni Salamanca. After nito, ang pahayag na pwede namang mag-adjust ang mga Pilipino basta lang marepresenta ang kanilang mga sarili sa Cortes: “when they become representatives, may give up such a dirty custom, at least during the legislative sessions, so as not to offend the delicate nostrils of the Salamancas with the odor of the bath.” Hindi na maliligo ang mga Pilipino, kung ayaw ng mga mananakop ang amoy na dulot nito at kung ‘yun lang ang paraan para mapasama sila sa Cortes!)
Ingat ka, oks lang magpahayag pero dapat within the confines ng kung anong amenable sa mga nasa kapangyarihan. So much for critique!
Iba rito, may isa pang “Ingat” na mas talamak sa circle ng mga progresibo, mga aktibistang sistematikong kini-kritika ang namamayaning kalagayan, at gustong baguhin ito. Ang tingin kong pinagmumulan nitong recognition: madilim ang panahon at namamasista ang pamahalaan, dinarahas ang sinumang tumututol dito, at ikaw na kasama, tayong magkakasama, mag-ingat tayo, bantayan at alalayan ang isa’t-isa. Huwag lumarga o umuwi nang mag-isa, at iba pang praktikal na tagubilin para panatilihing ligtas ang mga kasama.
Ang nagbibigay ng lambong sa araw-araw ay hindi na nga ang pandemya at ang inutil na pagtugon dito ng pamahalaan kundi ang mas nakaririndi o nakakagalit na paggamit nito sa pandemya para lalong tugisin ang mga kritiko nito. Galit ang administrasyon, marahas at nananakot; mag-iingat tayong lahat. At sana hindi sa kanya-kanyang lungga o couch; magsasama-sama at magtulung-tulungan tayong lahat. Sa harap ng kasalukuyang administrasyong hindi lang pinapabayaan kundi binabantaan pa tayo, higit nating kailangan ang isa’t-isa. # nordis.net