LETTERS
AND STATEMENTS |
NORDIS
WEEKLY October 30, 2005 |
|
Previous | Next |
||
Tama
na ang paninisi |
||
Joe
Torres, Jr. October 25, 2005 Hindi ang media ang dahilan kung bakit mababa ang popularity rating ng administrasyon ni Pangulong Arroyo. Hindi dapat ang media ang sinisisi ng Malacañang sa kapalpakan ng mga opisyal ng pamahalaan. Ginagampanan lamang ng media ang tungkulin nitong ibalita ang anumang ginagawa ng pamahalaan, masama man ito o mabuti. Sa kabila ng tila pagkakalito ng administrasyong Arroyo kung ano ang dapat nitong gawin, sinisisi ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pamahalaan sa pagpapabaya nito na itaguyod ang malayang pamamahayag dito sa ating bansa. Sinisingil ng NUJP ang pamahalaan sa pangako nitong resolbahin ang mga kaso ng pagpatay ng mga mamamahayag. Sinisingil namin ang pamahalaan sa hindi pag-aksyon nito sa mga banta laban sa mga mamamahayag. Tinutuligsa ng NUJP si Secretary Raul Gonzales ng Department of Justice sa pagbabawal niya sa kasamahan naming reporter ng Manila Times na si Jomar Canlas sa pagpasok sa kagawaran upang gampanan ang tungkulin niyang magbalita. Tinutuligsa ng NUJP ang Armed Forces of the Philippines sa paghuli sa isang potograpo ng Manila Times nitong nakalipas na buwan. Patuloy na nananawagan ang NUJP sa pamahalaan na gampanan ang tungkuling protektahan ang kalayaan ng pamamahayag sa bansa sa pamamagitan ng pagresolba ng mga kasong pagpatay sa mga mamamahayag. Nanawagan kami sa mga awtoridad, lalo na sa hanay ng mga pulis at sundalo, na ihinto ang pananakot sa mga mamamahayag na gumagawa lamang ng kanilang tungkulin na magbalita. Hinihikayat namin ang pamahalaan na ihinto na ang paninisi sa media at sa mga kritiko ng pamahalaan. Gawin na lamang ng administrasyong Arroyo ang tungkulin nito na mamahala kaysa isisi sa kung kanino ang mga pagkukulang. # |
||
Previous | Next |