LETTERS AND STATEMENTS
NORDIS WEEKLY
August 21, 2005
 

Home | To bottom

Previous | Next
 

Mag-ingat sa mga sinungaling

By Childa Nalicao

August 19, 2005

PNP: Tama na! Sobra na!!
“Hayan… na naman ang matatawag na sundalo ng bayan
Pakunwari sa mga ginagawa, ngunit sa kabila’y mali naman
Pati mga guro kasabwat din
Upang mga estudyante ay kumbinsihin
Ama nila sa trabaho’y papasukin.”

May ilang PNP ang dumalo sa aming paaralan na Mankayan National High School (MNHS) para sa isang symposium tungkol sa drug addiction. Ngunit sa kabila pala nito’y iba ang pahahantungan kundi upang kumbinsihin lang ang mga estudyante na huwag lumahok sa iba’t ibang organisasyon katulad ng KMU, Bayan Muna, Innabuyog-Gabriela, Anakbayan at iba pa. Idinagdag pa nila ang underground movement na kung saan narerekluta ang mga naturang organisasyon sa mga kabataan.

Kahit kailan walang nangumbinsi sa amin. Kusa kaming nagmiembro sa Anakbayan.

Malamang ginamit ng Lepanto Consolidated Mining Company (LCMCo) ang mga iyon dahil tinatalakay at pinapaki-alaman ang tungkol sa welga ng mga manggagawa, sinasabi pa nila sa anak ng mga minero na pumasok na ang ama sa dating trabaho.

Nagtataka ang mga estudyante dahil imbes na drug addiction ay iba pala ang topic sa symposium.

Ganun din sa mga guro pinipilit na papasukin ang ama ng mga estudyante sa naturang trabaho para may pambayad sa paaralan.

Naglunsad din ng Genaral PTCA meeting ang guro sa elementarya, ngunit sa pulong na iyon ay pangungumbinsi sa mga parents na papasukin ang asawa sa trabaho.

Itong ginagawa nila ay pang-psywar lang sa mga welgista.

Mayroon lang akong babala: Huwag maniwala sa mga masasama! #


Home | Back to top

Previous | Next