FOURTH
ESTATE By MICHAEL AGONOY |
NORDIS
WEEKLY March 5, 2006 |
|
Previous | Next |
||
Walang himala |
||
Hindi lang sa kamaynilaan nagaganap ang malalaking kilos protesta para ipanawagan ang pagbaba ni Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) sa kanyang pwesto kundi sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas maging sa ibayong dagat. Hindi lamang mga progresibo at militanteng grupo ang nananawagan sa pag-alis ni GMA sa poder, maging ang ilang dating kilalang alyado ni GMA at ilang kasapi ng hukbong sandatahan na tinuturing niyang loyal ay nagpahayag na rin ng pagkadisgusto sa kanya. Hindi nagpahuli ang mamamayan ng Lambak Cayayan sa panawagang pagpapatalsik kay GMA. Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang kilos protesta sa mga lansangan at ang isinisigaw nila ay “Patalsikin si Gloria!” Nung Pebrero 21, naglunsad ang League of Filipino Student (LFS) at Anakbayan ng isang symposium sa Cagayan State University-Tuguegarao campus. Sa symposium na ito, muling nalantad ang kabulukan ni GMA. Dinaluhan ito ng mahigit 500 estudyante. Nitong Pebrero 25, mahigit 200 kabataan at kababaihan ang nagmartsa sa mga pangunahing lansangan ng Tuguegarao City upang gunitain ang EDSA 1 at manawagan ng isa pang People Power para tuluyan nang mapatalsik ang isang pahirap sa masang pangulo. Iginiit pa nila na hindi sila titigil hanggang sa hindi nila nakikitang bumababa si GMA sa kanyang puwesto. Hinimok din ng mga miyembro ng Anakbayan, LFS at Gabriela ang mamamayan ng Cagayan na sumama at makiisa sa kanila. Patunay lamang ang mga mobilisasyon sa iba’t ibang panig ng bansa na hindi na mapipigilan ng dahas ng estado ang mamamayan na tumungo sa lansangan. Mula Aparri hanggang Jolo ay dumadagundong ang nagkakaisang damdamin ng mamamayang hindi na kontento sa pamamalakad ni GMA. Hindi rin hadlang sa mamamayan ang Proclamation 1017. Bagkus ang karahasan ng estado ang siyang magsisindi sa matagal nang nag-aapoy na galit ng mamamayan. Dito sa Lambak Cagayan, siniguro ng Bagong Alyansang makabayan (BAYAN) na sunod-sunod ang gagawin nilang kilos protesta hanggang mapatalsik si GMA. Hindi milagro ang pagdami ng mamamayang sumisigaw ng pagpapatalsik kay GMA at lalong hindi ito kataka-taka. Nakilala ang sambayananag Pilipino sa mahigpit nilang pagkakaisa at muli itong mapapatunayan ng Pinoy sa administrasyong GMA. Ang masa lamang ang tanging tagapaglikha ng kasaysayan at napatunayan na natin yan. Sa pagkakaisa ng masa, lahat posible. # For comments & suggestions e-mail d4thestate7@yahoo.com Post your comments, reactions to this article |
||
Home > Op-ed | Back to top |
Previous | Next |