FOURTH
ESTATE By MICHAEL AGONOY |
NORDIS
WEEKLY October 9, 2005 |
|
Previous | Next |
||
Huwag ipilit ang mapanirang minahan |
||
Nanganganib na matulad ang Benito Soliven, Naguillian at Cauayan City ng Isabela sa mga lugar sa bansa na sapilitang pinasok ng mga kompanya ng minahan sa tulong at basbas ng pamahalaan. Sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng malawak na mamamayan sa nasabing mga lugar, nagkukumahog naman ang mga taong nasa likod ng Coal Mouth Power Plant sa pagsusulong ng proyektong ito sa pangunguna ng Philippine Oil Company-Exploration corporationon (PNOC-EC) sa tulong ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan katulad ng Mines and Geosciences Bureau-Department of Environment and Natural Resources (MGB-DENR), electric cooperatives at mga lokal na opisyales ng gobyerno. Sasakupin ng proyektong ito ang 64,000 ektarya ng nasabing mga lugar. Halos 9,000 ektarya, sa nasabing lupain, ang aktwal na miminahin, 5,000 ektarya ang gagamitin para sa planta ng kuryente at ang natitira pang ibang bahagi ay tatamnam ng punong-kahoy para gamiting pangggatong sa coal. Tinatayang 8,000 pamilya mapapalayas sa kanilang mga tirahan at maaagawan ng lupang matagal nang sinasaka at tanging pinagkukunan ng ikinabubuhay. Ang tanong ng mga mamamayang apektado, bakit ganu’n na lamang ang pagpupursige ng gobyerno sa proyektong ito? Anila, tunay na reporma sa lupa ang kailangan nila at hindi ang mapaminsalang coal mining. Kasama ng mga apektadong mamamayan sa pagtutol sa nasabing proyekto ang buong Simbahang Katoliko ng lsabela, DAGAMI-Isabela, DANGGAYAN-Cagayan Valley at iba pang organisasyon at indibidwal na naniniwalang ang mapanganib ang minahan ng coal sa kalikasan at kalusugan at kabuhayan ng mamamayan. Ayon sa DANGGAYAN, isang malawak na organisasayon ng mga magsasaka sa Cagayan Valley, ang proyektong ito ay isang legal na paraan ng pagsasamantala at pang-aagaw sa lupa ng mga magsasaka. “Hindi kailangan ng magsasaka ang coal mining ngayong panahon ng krisis. Ang kailangan nila ay tulong sa rehabilitasyon ng kanilang mga bukirin na sinalanta kamakailan lang ng mga bagyo at ng tagtuyot na nagdaan. Kailangan ang tunay na reporma sa lupa sa buong bansa hindi mga proyektong magbibigay ng panibagong dagok,” diin ni Gavini Abrojena, tagapangulo ng DANGGAYAN. Ayon naman sa pamahalaan, sa proyektong coal mining manggagaling ang inaasam na pag-unlad. Magkakaroon umano ng maraming trabaho at magbubukas ito ng oportunidad para sa lahat. Subalit kung susuriin, ang sinasabing pag-unlad ay para lamang sa iilan. Ang pag-unlad na sinasabi nila ay nanganghulugan ng lalong paghihirap ng dati nang naghihirap na masa. Sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng mamamayan, tila hindi natitinag ang PNOC-EC. Ayon sa kompanya, ang public hearing ay hindi magiging batayan para hindi ituloy ang coal mouth mining project. Ano ang silbi ng public hearing kung hindi nila pinapakinggan ang damdamin ng mamamayan? Sa naganap na public hearing noong September 30 na ginanap sa Reina Mercedes Isabela, umaalingawngaw sa apat na sulok ng Judge Respicio Memorial Coliseum ang mariing pagtutol ng mamamayan. Sa harap mismo ng PNOC-EC at iba pang ahensiya at opisyal ng pamahalaan ay ipinarating ng taong bayan sa kanilang pag-ayaw sa proyekto. Masakit lamang isipin na hindi pinakinggan ng pamahalaan ang nagkakaisang tinig ng mamamayan. Kailan kaya tayo pakikinggan ng pamahalaan? Sa kabila nito, hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang mamamayan ng Naguillian, Benito Soliven, at Cauayan City. Naniniwala silang sa pamamagitan ng nagkakaisang tinig at lakas nila ay mabibigo ang coal mining project na ito. Siniguro nila na handa silang dalhin ang laban hanggang sa mga lansangan. # For comments & suggestions e-mail d4thestate7@yahoo.com |
||
Home > Op-ed | Back to top |
Previous | Next |