FOURTH
ESTATE By MICHAEL AGONOY |
NORDIS
WEEKLY July 10, 2005 |
|
Previous | Next |
||
Hindi sapat ang “sorry” |
||
Sa kalagayang di mapigil ang pagbagsak ng kabuhayan ng mamamayan, hindi na napigilan ng sambayanan na tumungo sa lansangan upang hingin ang pagbitiw sa pusisyon ni Gloria Macapagal-Arroyo. Bago pa man lumabas ang kontrobersiyal na “Hello Garci” tape, matagal nang nakapagdesisyon ang mamamayan na si GMA ay hindi kailanman nagpakita ng sinseridad sa pagtugon sa kanilang batayang kahilingan. Mula nang maupo siya sa kanyang “puwesto” , ipinakita niya ang walang habas niyang pagsunod sa kanyang dayuhang amo, ang pamahalaan ng Estados Unidos. Ang maraming kontrobersiya sa kanyang administrasyon ay kongkretong manipestasyon ng kanyang tunay na kulay. Dito sa Cagayan Valley, naniniwala ang karamihan na hindi na kailangang magtagal pa si GMA bilang pangulo. Bilang patunay, magsasagawa ng isang martsa-rali sa mga bayan ng Tuguegarao at Santiago sa Isabela sa Hulyo 25 bilang hakbang sa pagpapatalsik kay GMA. Saan mang sulok ng Pilipinas, sadyang hindi na maitatago ng administrasyon ni GMA ang kanyang baho. Manipestasyon nito ang lumalaking bilang ng mamamayang diskuntento sa kanyang pamamalakad. Hindi na naniniwala ang sambayanan sa mga pangako ni Gloria. Ang repormang pang-ekonomya na ipinangangalandakan niya ay pakitang tao na lamang para pigilin ang galit na mamamayan. Kaya kahit ano pa ang gawin ni GMA, mag-sorry man ito, ay hindi pa rin ito magiging sapat para maibsan ang paghihirap ng masang Pilipino. Hindi na maibabalik ng “sorry” ni GMA ang mga buhay na nasayang dahil sa kanyang all-out war policy. Hindi na mababawasan ng kanyang “sorry” ang bilang ng nagugutom na mamamayan, ang mga magsasakang pinagkaitan ng karapatan, ang mga maggagawang binubusabos. Ang krisis pampulitika ng bansa sa kasalukkuyan ay repleksyon lamang ng kabuuang krisis ng sistemang panlipunan. Hindi ito mareresolba hanggat hindi naibabagsak at napapalitan ang kasalukuyang sistema ng lipunan. Ang pagpapatalsik kay GMA ay makatarungan lamang dahil ang ipinaglalalaban ng mamamayan dito ay dangal, karapatan, kalayaan, kinabukasan at demokrasiya. # For comments & suggestions e-mail d4thestate7@yahoo.com |
||
Home > Op-ed | Back to top |
Previous | Next |