FOURTH
ESTATE By MICHAEL ANGONOY |
NORDIS
WEEKLY April 10, 2005 |
|
Previous | Next |
||
Ang togang bitin |
||
“Sa wakas gra-graduate na ako!” Ito marahil ang nasasambit ng bawat graduate ngayon. Habang papalapit ang pinakahihintay nilang araw ay lalong tumitindi ang kanilang excitement. llang taon din nilang hinintay ang pagkakataong ito at heto nga’t nakatakda na nilang isuot ang kanilang toga para magmartsa at tanggapin ang pinagkagastusang diploma. Ngunit, ano kaya ang bukas na naghihintay sa kanila? Pagkatapos ng graduation, nahaharap ang bawat graduate sa isang malaking hamon at pagsubok. Marahil hindi ito inaasahan ng iba dahil sa mga ginintuang pangako ng ilang malalaking unibersidad ng marangyang buhay pagkatapos ng graduation. Ang iba naman marahil nakadepende sa mga award na natanggap nila at sa kanilang mga achievement. Ngunit ang mga award at pangalan ng pinasukang unibersidad ay di na kasiguraduhan para magkaroon ng disenteng trabaho at magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap. At sa tindi ng krisis pang-ekonomya na kinalulugmukan ng bansa ngayon, saan dadalhin ng gobyerno ang libu-libong graduates pagkatapos ng graduation? Sa bawat limang graduate, isa hanggang dalawa lamang ang nakakahanap ng trabaho. At ang trabahong ito ay malayo pa sa kanilang pinag-aralan. Ang mga senaryo kagaya nito ay manipestasyon lamang na ang graduation ay hindi katapusan ng paghihirap. Bagkus, ito ay karugtong ng paghihirap na naranasan nila. Kung inutil ang pamahalaan sa pagtupad sa kahilingan ng mga estudyante, inutil din ito sa pagbibigay ng magandang trabaho sa mga graduates. Sa kasalukuyan ay umaabot na ng P5.9 trillion ang pangkabuuang utang ng pamahalaan para sa taong 2005. Sa inaprubahang P907.5 billion national budget para sa taong ito, P301.6 billion ang nakalaaan umano para sa debt servicing. Napakasakit isipin ngunit ito ang katotohanan. Walang naghihintay na magandang bukas para sa mga graduates sa kasalukuyang sistema ng ating lipunan. Nahaharap sila sa matinding hirap ngunit nasa kanila kung hahayaan nila itong mangyari sa kanila. Sa mga graduates, nasa inyo ang lakas at galing para baguhin ang sistema. Kailangan niyong mamili, kumilos para sa bayan. Sa kabila ng pambansang krisis, hamon sa inyo na i-ambag ang inyong lakas
at talino para sa pagbabago ng lipunan.# |
||
Home > Op-ed | Back to top |
Previous | Next |