FOURTH ESTATE By MICHAEL ANGONOY
Nordis Weekly, March 13, 2005
 

Home > Op-ed | To bottom

Previous | Next
 

Pakinggan natin ang daing ng mga walang tinig

Sa kabila ng ipinangangalandakan ng administrasyong GMA na lumalakas ng ekonomiya bunga ng pag-angat ng piso laban sa dolyar ay dumarami naman ang hinaing ng mga mahihirap.

Dito sa Cagayan Valley, papatindi ang krisis na nararanasan ng taong bayan. Mula sa umpukan ng mga tindera, drivers, estudyante man o propesyunal ay usap-usapan na palala na ng palala ang kahirapan ng bansa. Hindi ito nakakapagtaka dahil noon pa man ay inaasahan na na darami ang madidiskuntento sa pamamahala ni Pres. Arroyo, dahil katulad siya ng mga nauna pang presidente.

Dito sa Cagayan Valley, sumasabay sa pagpapahirap sa mamamayam ang tagtuyot. Pagkatapos ng malalakas at mapaminsalang bagyo noong nakaraang taon ay heto naman ang sumpa ng tagtuyot. Matatandaang milyung-milyong halaga ng pananim ng mamamayan dito ang sinira ng bagyo. Akala ng mahihirap na mamamayan ay makakaahon sila pagkatapos nito, pero heto sila, halos hindi na kumain.

“Hindi ko na alam kung ano ang gagawin namin , tumigil na ang anak ko sa college dahil hindi na namin kayang tustusan ang pag-aaral niya”, komento ng isang padre de pamilya.

“Awanen, nu kastoy iti mapaspasamak, baka matay kami a sibibiag. Saan kamin nga mangmangan iti tallo a daras iti maysa nga aldaw, nailumlum kamin iti utang”, mangiyak-iyak naman na kwento ng isang magsasakang nanay.

“Di na namin alam ang gagawin namin. Wala na kaming kakayahang magbayad ng aming mga utang dahil pagkatapos ng pinsalang dulot ng bagyo, natuyot naman ang aming mga pananim. Ikinulong ako kasama ang aking anak ng trader na pinagkautangan ko dahil di ako nakabayad. Gustuhin ko mang magbayad, wala akong magagawa dahil di namin kagustuhang mangyari ang lahat ng mga ito”, umiiiyak na kuwento ng isang nanay.

Ang mga magsasaka at lahat ng ordinaryong mamamayan ang pangunahing nakakaranas ng labis na hirap sa ngayon. Ang masaklap dito, ay walang ginagawang kongretong aksyon ang pamahalaan para tugunan ang batayang pangangailan ng mga ordinaryong mamamayan, mga mamamayang walang tinig.

Matagal nang nagdaraing ang mga maliliit na mamamayan sa pamahalaan ngunit walang nakikinig sa kanila. llang beses na silang pinangakuan ng pamahalaan, ilang beses na silang umasa at ilang beses na rin silang nabigo. Hindi na mabilang dahil lahat ng mga pangakong binitawan ng mga nasa gobyerno.

Silang mga walang tinig ay laging lumalapit sa gubyerno na walang aksyon. Hindi natin sila masisisi kung sa ibang gobyerno dito sa Pilipinas sila lalapit. Hindi natin sila masisisi kung isang araw ay hindi na natin makita ang ilan sa kanila at mababalitaan nalang natin na isa na pala sila sa mga nakikipaglaban at nakikibaka laban sa mga mapang aping uri. #


Home > Op-ed | Back to top

Previous | Next