FOURTH
ESTATE By MICHAEL ANGONOY |
Nordis
Weekly, February 13, 2005 |
|
Home > Op-ed > FOURTH ESTATE > February 13, 2005 | To bottom |
Previous | Next |
|
7 milyong patrabaho ni GMA, saan magmumula? |
||
Sa lahat ng sulok ng Pilipinas, ipinangangalandakan ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo (PGMA) sa pamamagitan ng kanyang mga alipores na magbibigay sila ng isang milyong trabaho sa mga mamamayan. Iisa lang ang tanong ng marami ngayon, saan kaya kukunin ang isang milyong trabaho na ito sa kabila ng krisis na kinakaharap ng ating bansa sa ngayon? Kung meron man, ano kaya ang magiging kapalit nito? Naipangako na ni PGMA ito, kaya tiyak na gagawin niya ang lahat ng kanyang
magagawa, maging Isa sa mga pagkukunan ng sinasabi nilang trabahao ay mula sa mga bulok na programa ng pamahalaan katulad ng mga mining projects. Kung titingnan natin, totoong maraming trabahador ang kakailanganin ng mga mining projects na ito. Ang kailangan ng mamamayan ay permanenteng trabaho na makakatulong sa kanila, hindi pansamantalang trabaho na sa bandang huli ay siyang sisira sa kanilang kabuhayan at sa kalikasan. Napakaraming tumututol sa mining projects ng pamahalaan ngunit nananatili itong bingi at tila walang naririnig. Imbes na pakinggan ang pagtutol ng mamamayan ay mas pinapaboran pa nito ang mga dayuhang mamumuhunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng permit sa mga ito. Bakit kailangang umasa ang pamahalaan sa mga mining projects na ito kung ang magiging kapalit ay buhay at kinabukasan ng mga mamamayan? Talaga bang wala nang pakialam ang pamahalaan sa kanyang mamamayan? Manipestasyon ba nito na sadya nang tinatalikuran nito ang kanyang tungkuling pagsilbihan ang mamamayan? Ang coal mining project sa Isabela ay napakatagal nang usapin ngunit pilit pa ring isinusulong. Sa kasalukuyan, pumasok na rin ang Royal Mining Company sa Cagayan partikular sa mga bayan ng Claveria, Sta. Praxedes at Pamplona. Ang Royal Mining Company na ito ay pinapatakbo ng Dutch Corporation. Samantala, nakatakdang mailunsad ang Save and Serve Cagayan Alliance, isang alyansa ng mga taong nagmamalasakit sa kalikasan sa mismong araw ng mga puso. Antabayanan natin ito, at Happy Valentine’s Day sa inyong lahat. # |
||
Home > Op-ed > FOURTH ESTATE > February 13, 2005 | Back to top |
Previous | Next |