NORDIS WEEKLY
July 2, 2006

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

University of the Philippines: Mahal na?

Mula ng itatatag ito ng 1908, ang Unibersidad ng Pilipinas ang isa sa mga institusyon na pangunahing nagiging boses ng sambayanan - sa pagharap sa mga isyung lipunan, sa loob ng mga oras ng ligalig at alinlangan… sa gitna ng panunupil at pandarahas.

Sa paglipas ng mahabang panahon ay tumayo ang UP sa harap ng ‘di mabilang na pakikibaka ng masa upang ipagtanggol ang kagalingan ng mamamayan lalo na sa usapin ng karapatan sa edukasyon. Subalit nitong nakaraang buwan lamang ay naglabas ang aming Board of Regents (BOR) ng mga mungkahi upang itaas ang aming matrikula ng higit sa 300-400%. Tataas ng mula sa 300/unit patungong 1000/unit ang matrikula ng malalaking campus ng UP tulad ng Diliman, Los Banos, at Manila. Samantalang sa maliliit na campus tulad ng Baguio, UP in the Visayas, at UP Mindanao ay tataas ng mula 200/unit papuntang 700/unit. Hindi pa dito kasama ang pagtaas ng aming miscellaneous fee sa pamamagitan ng pagdadagdag ng internet fee na P260 at energy fee na P250. Magtataas din ang aming library fee mula P700 papuntang P1100 sa mga nasabing malalaking campus at mula P400 patungong P700 sa mga maliliit na campus.

Maaring sa unang tingin ay isyu lamang ng mga Iskolar ng Bayan ang pagtaas ng matrikula, ngunit sa katotohanan ay ito ang isyu ng edukasyon sa pangkalahatan. Ang UP ay bahagi lamang ng sektor ng edukasyon na taon-taon ay binibiktima ng budget cut ng pamahalaan. Ito din ay nagmimistulang “guinea pig” ng gubyerno sapagkat ang lahat ng balak nitong ikomersyalisa ang edukasyon ay sisimulan nito sa UP. Lantad na ang totoong kulay ng rehimen ni GMA, sa halip ns asikasuhin ang edukasyon ay nagiging abala ito sa pakikidigma, pagpatay ng sibilyan, pamumulitika at panlilinlang ng mamamayan sa pamamagitan ng huwad nitong Charter Change.

Marami pa rin ang estudyante ng UP ang nabubuhay sa ilalim ng kahirapan, lalo na ngayong ang ating lipunan ay humaharap sa matinding krisis. Sa katunayan, 30% lamang ang nakakapasa sa mga state colleges and universities ang aktwal na nakapageenrol. Paano pa kaya makapag-aaral ang mga susunod na Iskolar ng Bayan kung matutuloy ang mga panukalang ito?

Alam naming hindi mabubuhay ang sistema ng edukasyon, lalo na ang UP, sa kasalukuyang natatanggap nitong subsidyo. Ngunit hindi lamang natatapos ang aming panawagan na tutulan ang pagtaas ng matrikula, karugtong nito ang paghingi ng mas mataas na badyet sa edukasyon. Nananawagan kami sa aming BOR na huwag magpagamit sa kaslukuyang rehimen na layong iwan ang responsibilidad nito sa edukasyon, sa halip ay sumama sa mayorya ng UP Community na naglalayong mas maging accessible ang edukasyon sa mamamayang Pilipino.

Hinihikayat din namin ang mga UP Alumni, magulang, estudyante ng iba’t-ibang state universities at mamamayan ng Baguio na sumama sa aming mga adhikain, at sama-sama nating iapaglaban ang ating karapatan sa edukasyon at bantayan ang kinabukasan ng ating mga anak at ng susunod na salinlahi. #

Post your comments, reactions to this article


Home | Back to top

Previous | Next