|
NORDIS
WEEKLY June 11, 2006 |
|
Previous | Next |
||
Magsasaka sa Cagayan nagmartsa kontra CARP |
||
TUGUEGARAO CITY (June 10) — Nagmartsa sa pangunahing lansangan ng Tuguegarao City ang mga magsasaka ng Cagayan para muling ipadama sa pamahalaan ang pagkadisgusto sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Dala ang mga placards, streamers at mga bandila, bumuhos ang humigit kumulang na isang libong magsasaka sa Tuguegarao City noong June 9, kasing-init ng sikat ng araw ang di mapigilang ngitngit ng mga magsasaka sa kasalukuyang administrasyon na ayon sa kanila ay katulad ng mga nagdaang administrasyon na kailanman ay hindi nagsilbi sa kanilang interes at di nagpakita ng kaseryosohan para ipatupad ang tunay na reporma sa lupa. “Awan ti naitulong ti programa ti gobyerno para iti pannakaipatungpal iti pudno a reporma iti daga. Ti CARP ket saan a programa a panangiwaras iti dag-daga nudiketdi panang-agum iti daga manipud kadagiti mannalaon,” (Walang naitulong ang programa ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa. Ang CARP ay hindi programa para sa pamamahagi ng lupa bagkus ito ay isang paraan ng pangangamkam ng lupa mula sa mga magsasaka.) ang naging bahagi ng talumpati ni Alexander Santiago, General-secretary ng Danggayan-Cagayan Valley. Iginiit din ni G. Isabelo Adviento, tagapangulo ng Kagimungan-Cagayan na dahil sa CARP ay dumami ang naging manggagawang bukid, nakikisaka kapalit ang kapiranggot na sahod at dahil umano ditto ay nawalan ng karapatang ang mga magsasakang ariin ang kanilang sariling lupa na kanilang pinagyaman sa mahabang panahon.”napakasakit isipin ngunit ang Department of Agrarian Reform (DAR) Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay nagiging intstrumento para lalong ilugmok sa matinding paghihirap ang ,mga magsasaka sa pamamagitan ng panlalansi at panlioloko sa mga magsasaka. Ang voluntary offer to sell, board of liquidators at marami pang iba ay ilan lamang sa mga sindikato nila.” Pahayag pa ni Adviento. Samantala nauna nang nagkaroon ng dialogue sa pagitan ng mga magsasaka sa Cagayan at mga opisyal ng DENR sa regional office nito sa Carig, Cagayan noong June 7 taong kasalukuyan ngunit ayon sa mga magsasaka na mula pa sa mga bayan ng Gonzaga, Sto. Niño, Baggao, Alcala, at Amulung ay lalo lamang sila nadismaya dahil sa nakita nilang hindi magkakaroon ng katuparan ang minimithi nilang titulo ng lupa na papapasakanila. “Wala kaming maaasahan sa dialogue dahil kailanman ay hindi ibibigay ng kontra mamamayang gobyerno ang hiling naming,” matapang na pahayag ni Ronald Reyes ng Anakpawis-Cagayan. # Michael Agonoy for NORDIS Post your comments, reactions to this article |
||
Previous | Next |