Kasama, lumaya ka…
Sa kulungan ng mga makapangyarihan
Upang ang iyong mga gawai’y…
Hanguin sa pagkaantala.
Kasama, mabuhay ka…
Ilang libo mang punglo
Ang sa iyo’y iharang…
Matapang ka para sa bayan.
Kasama, tunay ka…
Ipinakita mong katatagan
Ay mapupunas ang pag-aalinlangan…
Kahit anong mangyari, tuloy ang laban!
Kasama, dakila ka…
Dahil sa iyong kasigasigan
Ang bayan ay patuloy na babangon…
Gigibain ang mga balakid sa daan.
Kasama, makakaasa ka…
Ang iyong hangarin
‘Di namin bibitawan…
Hanggang sa maabot hangad na kalayaan!