By
EPOY*
Heto palang si madam Gloria´y, hindi natin akalain.
Sa simula akala ng lahat, ay saksakan ng hinhin,
Hindi makabasag pinggan, ng makiusap sa atin,
Subalit ngayo´y lumalabas, tunay na kanyang kendeng.
Hindi pa man nagtatagal, mga sumpang ibinitiw.
Panay na ang papungay, sa kowboy niyang ginigiliw.
Ipinangako na ang lahat,pati baya´y ipinain.
Ito namang si busyu, sagad ang kapal ng mukha.
Sa panunuyo ng maldita,daig pa ang buwaya.
Dinig sa buong mundo,malibog na halinghing n´ya
Nais ay todong sagarin,malaswa niyang pagnanasa.
Kaya´t ang taong bayan, ngayo´y nagmistulang kawawa,
Mga tiyan ay kumakalam, walang laman ang sikmura.
Huling patak ng ating dugo´y,gusto pang angkinin n´ya
Ang kanilang romansahan, tila walang katapusan
Dahil itong si kowboy, di masagad ang kasiyahan.
Ikendeng mo ikendeng mo,ang mando sa kabusetsehan.
Ibigay mo nang lahat, ang lahat mong tagong yaman,
Nang itong lampungan nati´y,medyo pa magtagal.
Kung di mo pagbibigyan, maghahanap ng bagong mahal.
Itong matamis na pagtingin, ihahandog sa karibal.
Itong pa cute na unano,na galing sa kung saang punso.
Sa kanya raw na romansa, sadyang di patatalo.
Dadaigin niyang lahat, kahit sino pang G.R.O.
Sa tindi ng pagpapaligaya, sa kalaguyong amerikano.
Kayang ibigay ang lahat,kahit na huling patak ng dugo.
Hindi nga lang ng sa kanya.kundi sa masang Pilipino.
Ngayo´y pambayad ng utang,hanggang sa tuhod nating apo
Kaya nga´t itong si madam, kahit sa harap ng esposo.
Walang awat kahihiyang ,ibinigay na nga ng todo.
Ibinukaka nang lahat, kahit mahantad sa buong mundo.
Ang walang pakundangang, sipsip linta sa kanyang macho.
Kayat itong buong baya´y,naisanla ng walang ano-ano.
Sa ngalan ng globalisasyon, tayo´y nais ipang-regalo.
Sa kanilang lampungan, tayong Pilipino´y talung talo
Kaya nga kapag di nagtigil, o hindi agad masawata.
Immoral na tambalan,nitong mga walang kaluluwa.
Ating lugmok na kalagayan, bukas higit pang lalala.
Bayan nating walang palad, sa kamay nila´y kaawa-awa.
Lipunan nati´y pagpepestahan, ng mga sakab na buwaya.
Kaya nga´t kumilos, lahat tayo´y dapat na magkaisa.
Ilantad ang kasakiman, putulan sila ng bawal na ligaya. #
* Epoy is a member of Pinoy in Austrian Society
for Integrity Reform and Social Transformation (FINAS FIRST).
He has been living in Vienna Austria for 16 years.
Post
your comments, reactions to this article