NORDIS WEEKLY
February 12, 2006

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

Student leaders’ assembly inilunsad ng NUSP

BAGUIO CITY (Peb. 10) — Inilunsad kamakailan ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) Baguio-Benguet Chapter ang 10th Student Leaders’ Assembly sa Easter College, Guisad noong Pebrero 4 at 5.

Ang dalawang araw na asembleya ay dinaluhan ng mga lider ng Konseho ng mga Mag-aaral mula sa Benguet State University, Easter College, University of Baguio, Saint Louis University, at University of the Philippines Baguio.

Ayon kay John Panem, coordinator ng NUSP Baguio-Benguet, ang naturang asembleya ay inilunsad upang pag-usapan ang mga napapanahong isyu tulad ng budget cut, tuition increases, at iba pang isyung pampulitika at pang-ekonomiya.

Bukod pa dito, nagbigay ng mga lectures at training ang NUSP para matutunan ng mga dumalong lider estudyante ang mga pangunahing kasanayan o skills para sa isang epektibong pamumuno sa sangkaestudyantehan.

Ang mga isinagawang training at workshop ay patungkol sa pamumuno, student council orientation and management, finance work and principles of fund raising, parliamentary procedures and practice, public speaking, at mass campaign administration and propaganda work.

Dagdag pa rito, naihapag din ang mga diskusyon ukol sa kasalukuyang krisis pampulitika at pang-ekonomiya at ang kalagayan ng sistema ng edukasyon sa bansa.

Samantala, gumabay sa nasabing pagtitipon na ito ang temang “Strengthening student leadership in the continuous struggle for the right to education and leading Filipino students in demanding good governance and democratic reforms” (Pagpaptibay ng estudyanteng pamumuno sa patuloy na laban para sa karapatan sa edukasyon at pamunuan ang mga estudyanteng Pilipino sa pagsulong ng mahusay na gobyerno at demokratikong reporma).

Napatampok din sa nasabing asembleya ang buhay ni Edgar Jopson o Edjop bilang isang magaling na lider estudyante at mga kontribusyon nito para sa bayan noong panahon ng Unang Sigwang Kuwarto.

Ang NUSP ay isang pambansang alyansa ng mahigit 450 konseho at unyon ng mga mag-aaral na patuloy na nakikipaglaban at nagsusulong ng mga demokratikong karapatan at kagalingan ng mga estudyante. # Keith Sison/UP Intern for NORDIS

Post your comments, reactions to this article


Home | Back to top

Previous | Next