NORDIS WEEKLY
January 15, 2006

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

Pangunahing bilihin tumaas dahil sa EVAT—DTI

BAGUIO CITY (Enero 11) — Inamin ng pamunuan ng Department of Trade and Industry sa Cordillera (DTI-CAR) na nagkaroon na ng tatlo hanggang limang prosyentong (3-5%) pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa rehiyon bunsod ng expanded value added tax (EVAT).

Sinabi ni DTI Benguet Provincial Director Carmelita Usman na halos lahat ng mga pangunahing bilihin ay tumaas na ang presyo simula noong Disyembre.

Base ito sa “price-monitoring report” ng DTI sa Cordillera na ipinapalabas ng kagawaran tuwing linggo.

Ayon kay Usman, mas naging mataas pa ang pag-angat ng presyo ng mga produktong may “imported component” tulad ng gatas at mga produktong nakadepende ang presyo ng langis.

Dagdag pa, aniya, dapat paghandaan na rin ng mamamyan ang nakatakdang pagpataw ng 12 porsyento mula sa nakaraang 10 porsyento. # Rowena Caccam/DzEQ

Post your comments, reactions to this article


Home | Back to top

Previous | Next