NORTHERN LUZON NEWSBRIEFS
NORDIS WEEKLY
December 18, 2005

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

3 soldiers killed in NPA-Kalinga operation

TABUK, Kalinga (Dec. 8) — Three soldiers were killed in a counter-ambush operation of the Lejo Cawilan Command (LCC) of the New People’s Army (NPA) against troops from the Bravo company of the 21st Infantry Battalion of the Armed Forces of the Philippines (AFP), who took an ambush position in one of the forested hills in Barangay Ab-abaan, Balbalan in Kalinga on November 27.

The said soldiers were identified as­ Cpl. Ricardo Gabriel, Pfc. Philip Domingo and Pvt. Albert Again.

According to an e-mailed statement from the LCC, at around 5:15 p.m. of November 27, the NPA team began firing at the surprised soldiers who scampered down the slope and ran towards different directions for safety.

“This tactical offensive is just one of many eloquent testaments to the widespread support of the masses for the NPA and the revolutionary armed struggle, debunking the smear campaign of the military that the NPA does not have the people’s support,” the statement stressed. # via NORDIS

* * *

AFP, PNP liars — CPP-NDF

TABUK, Kalinga (Dec. 8) — The Lejo Cawilan Command (LCC) condemns the accusation of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and Philippine National Police (PNP) that the Communist Party of the Philipines (CPP)-New Peoples Army (NPA) tried to extort P180,000 from Fr. Mike Haelteman, parish priest of Agbannawag, Tabuk, Kalinga

According to an e-mailed statement of the LCC, Cordillera Chief Supt. Leonardo Dionisio and Kalinga Supt. James Dogao accused the CPP-NPA of extorting money from the said priest. The statement further mentioned that in an entrapment operation, the PNP killed the extortionist.

The LCC also stated that the Butbut tribe in Agbannawag identified the extortionist as Gilbert Leo Alwing, a member of the said tribe. LCC claimed that it was PNP’s Raymundo Leo Alwing, the brother of Gilbert, who made the extortion letter addressed to Fr. Haelterman, using a non-existent “CCP (sic.) Northern Command” letter head.

“The NPA would never sink to such crime as extorting money from priests, much more from Fr. Haelterman, who has been one of the staunch defenders of the human rights of the Kalinga people for the past decades, and for this reason, highly respected by the revolutionary movement,” the statement further read. # via NORDIS

* * *

Sundalo namatay sa ambush ng NPA

GATTARAN, Cagayan (Dis. 16) — Isang sunadalo ang namatay sa isang ambush na isinagawa ng mga miyembro ng Henry Abraham Command (HAC) ng New Peoples Army (NPA) sa Cagayan laban sa mga elemento ng Re-engineered Special Operations Team (RSOT) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakabase sa Barangay Hall ng Cunig dito.

Ayon sa statement ng HAC inilunsad nila ang kanilang operasyon bandang 6:00 ng gabi noong Disyembre 12. Dagdag pa ng grupo, may ilang sundalo ang nasugatan sa nasabing engkwentro.

Ayon pa sa nasabing statement, hiniling umano ng mga residente sa nasabing baryo na parusahan at palayasin ang abusadong tropa ng RSOT dahil nagmistulang malaking piitan ang baryo kung saan kontrolado ang galaw ng mga mamamayan. Pinipilit din umano ng RSOT na sumapi ang mga residente sa Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU). # via NORDIS

* * *

Asin Hydro, aalisin sa BWD

BAGUIO CITY (Dis. 15) — Malabo nang maipasakamay pa sa Baguio Water District (BWD) ang kontrol at operasyon ng Asin Hydro-electric plant sa pagtatapos ng dalawampu’t limang taong kontrata nito sa lungsod ng Baguio.

Sa pulong ng Asin Mini-hydro Task Force na binuo kamakailan ni Mayor Braulio D. Yaranon, lumalabas na hindi na makikipagkasundo pa ang syudad sa BWD dahil sa napakaraming kontrobersya partikular sa hatian ng kita.

Sinabi ng bagong-hirang na city administrator na si Atty. Peter Fianza, co-chair ng naturang task force na nasa pag-iingat na ng syudad ang ilang dokumento ukol sa nga transaksyong pinasok ng BWD at ng lungsod.

Kabilang sa mga papeles ang isang kontrata sa pagitan ng HedCor at ng BWD na nagsaad ng malaking pagbawas sa bahagi ng kitang nakalaan sa syudad.

Naging tampok sa isang privileged speech ni Councilor Leandro Yangot ang pagmamaniobra ng BWD sa share ng lungsod sa Asin hydro. Ibinunyag ni Yangot na mas malaki ang kita ng BWD kaysa sa syudad sa pagbebenta ng kuryente sa HedCor. # Joseph Cabanas/DzEQ

* * *

Yacon, pamalit sa marijuana

LA TRINIDAD, Benguet (Dec. 15) — Isang Memorandum of Agreement ang pormal na nilagdaan kahapon ng Police Regional Office (Pro-Cor), Department of Agriculture (DA) at ng tatlong local government unit sa lalawigan ng Benguet para sa Yacon Rootcrop Production Project. .

Sa isang simpleng seremonya na pinangunahan ni Chief Supt. Leonardo Dionisio ng Pro-Cor, umasa siya na maibaling sa yacon ang atensyon ng mga nagtatanim ng marijuana. Sinabi rin niyang tutulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka di lang sa produksyon ng yacon, kundi pati na rin sa pagbebenta rito.

Nagtalaga ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng P250 milyon para sa yacon production.

Ang yacon ay pinaniniwalaang nakakagamot ng maraming karamdaman. Kabilang na rito ang diabetes, hypertension at marami pang iba. # Joseph Cabanas/ DzEQ

* * *

Chlamydia, no. 1 STD sa Baguio

BAGUIO CITY (Dis. 16) — Umaabot sa 30% hanggang 40% ng lahat ng nagpapatingin sa social hygiene clinic ng Baguio Health Department ay positibo sa sakit na Chlamydia, isang uri ng sexually transmitted disease (STD), o sakit na dulot ng pakikipagtalik.

Ayon kay Dra. Celia Flor Brillantes, tagapangasiwa ng naturang clinic, kadalasang ipinagwawalang-bahala ng mga tao ito dahil ito ay halos walang nakikitang panlabas na sintomas. Aniya, kadalasang senyales ng pagkakaroon ng Chlamydia ay ang pananakit ng puson, colorless discharge at masakit na pag-ihi.

“Isang uri ng bacterial infection ang chlamydia kaya ito ay mabilis makahawa,” ayon pa kay Brillantes. Aniya, karamihan sa mga nagpatinging positibo sa Chlamydia ay kababaihan. # Weng Caccam/DzEQ


Home | Back to top

Previous | Next