CORDILLERA
NEWSBRIEFS
|
NORDIS
WEEKLY December 11, 2005 |
|
Previous | Next |
||
Naswak, ayaw bitawan ng Benguet LA TRINIDAD, Benguet (Dis. 6) — Tinanggihan ng sangguniang panlalawigan ng Benguet ang hiling ng loKal na gobyerno ng Kayapa, Nueva Vizcaya na ilipat sa naturang bayan ang pamamahala sa Naswak Elementary School. Ayon sa mga boardmembers, ginastusan ng Benguet ang pagpapatayo ng naturang paaralan, bukod pa sa ang mga guro doon ay mula sa mga distrito ng Benguet. “Walang saysay ang naging kasunduan ni Mayor Tony Dupiano ng Kayapa at ni Mayor Raymundo Celino ng Bokod, Benguet hinggil sa disposisyon ng paaralan dahil wala umano sa inisyatiba ng Bokod ang pagpapatayo ng naturang paaralan. Kasalukuyang pinag-uusapan ang political boundary sa pagitan ng dalawang probinsya. # Joseph Cabanas/DzEQ * * * 30,000 Anti-WTO lagda kinalap sa Benguet LA TRINIDAd, Benguet (Dis. 6) — Umaabot na sa 30,000 ang lagda ng mga magsasaka sa lalawigan ng Benguet ang nakalap ng isang alyansa ng mga magsasaka na tumututol sa open trade commitments ng bansa sa World Trade Organization (WTO). Layunin nilang makakuha ng isang milyong lagda mula sa iba’t-ibang sector na siyang ipapakita sa mga delegado ng Ministerial Conference sa Hongkong sa Disyembre 13-18. Ayon kay Board Member John Kim, umaasa ang mga magsasaka na umabot sa 149 bansang kasapi sa WTO ang petisyon nila at huwag munang ipatupad ito hangga’t di pa nareresolba ang mga isyu kaugnay ng pagpasok ng produktong agrikultural sa bansa. Kabilang sa mga isyung ito ang “python-sanitary standards” o ang kaligtasan ng mga produktong ipapasok sa bansa, ang tariff agreement o ang pagbabayad ng buwis at ang pagbibigay ng subsidyo sa mga magsasaka. # Joseph Cabanas/DzEQ |
||
Previous | Next |