NORDIS WEEKLY
December 4, 2005

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

Saligang batas panatiliin

Konsultasyon ng ConCom sa Baguio

BAGUIO CITY (Dis. 1) — Nag-uumapaw ang suporta ng mga lumahok sa public consultation kahapon sa pagpapanatili sa ilang probisyon ng Saligang Batas lalo na sa Article 12 na nagsasaad hinggil sa National Economy and Patrimony.

Pinag-usapan sa mga workshop ang pag-aari ng mga public utilities, educational institutions, mass media, advertising at maging ang kapagyarihang magmay-ari ng lupain o anumang uri ng negosyo sa Pilipinas ang mga dayuhang korporasyon.

Nagpasya ang mga kalahok sa panatilihing 60%-40% ang pagmamay-ari ng mga empresa pabor sa Pilipino.

Nagkaisa ang workshop hinggil sa awtonomya na panatilihin ang probisyon sa pagbubuo ng autonomous government sa Cordillera at Mindanao.

Gustong mawala ang pork barrel sa mga mambabatas para ang pagtuunan ng mga ito ay ang kanilang tungkuling magbalangkas ng batas.

Samantala, pabor naman sa pederalismong anyo ng gobyerno si Mt. Province Gov. Maximo Dalog. Si Dalog ang namumuno ngayon sa Regional Development Council.

Ayon kay Dalog, kung nasa kontrol ng Cordillera ang exploytasyon ng likas na yaman at iba pang bagay, maisusulong ng rehyon ang mga adhikain nito sa larangan ng edukasyon, ekonomya, pananalapi, at peace and order. # Robert Tabay at Joseph Cabanas/DzEQ


Home | Back to top

Previous | Next