CORDILLERA NEWSBRIEFS
NORDIS WEEKLY
November 13, 2005

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

CHR sinusulong batas vs. torture

BAGUIO CITY (Nob. 8) — Kasalukuyang nagla-lobby ngayon ang Commission on Human Rights (CHR)-Cordillera sa kongreso para sa pagpasa ng panukalang batas na naglalayong maparusahan ang mga sundalo at pulis na nagsasagawa ng torture sa mga suspek sa kanilang kustodya.

Ayon kay CHR Regional Director Russel Ma-ao malaki ang tsansang maipasa ang nasabing panukala. Aniya nakuha na nila ng suporta na ilang kongresista ng Cordillera.

Dagdag ni Ma-ao, kailangan ang naturang batas dahil laganap pa rin ang torture sa mga istasyon at kampo ng mga pulis at Armed Forces of the Philippines (AFP). Dahil wala umanong batas laban sa torture, simplemg kaso ng physical injury lamang ang naisasampa kontra sa mga pulis at sundalo sa kabila ng trauma at sakit na sinapit ng mga biktima. # Rowena Caccam/DzEQ

* * *

Presyo ng gulay apektado ng EVAT — DA

BAGUIO CITY (Nob. 7) — Posibleng tumaas ang presyo ng mga gulay sa merkado sa susunod na buwan dahil sa epekto ng expanded value added tax (EVAT) ayon sa Department of Agriculture (DA)-Cordillera.

Ayon naman sa Hepe ng DA-Agri-business and Marketing Assistance Division Patricio Ananayo inaasahan na ang pagtaas ng presyo ng gulay bago pa man ang implementasyon ng EVAT. Tinukoy ni Ananayo ang nakikinitang pagtaas nanaman ng Toll fee sa North Luzon Express Way na dala ng EVAT na dahilan sa pagtaa ng presyo ng gula. Isa pang dahila umano ang pagbaling ng mga magsasaka sa cut flower industry. # Jhong Munar/DzEQ

* * *

Demand sa OFW sa Taiwan at Singapore tataas — POEA

BAGUIO CITY (Nob. 7) — Inaasahang lalong lalaki ang demand para sa mga overseas Filipino workers (OFW) ng Singapore at Taiwan dulot ng lumalaking pangangailangan ng mga guro at banking executives, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ayon sa POEA, kamakailan lang ay nagbukas ang Singapore para sa mga banking executives dahil sa lumalaking pangangailangan nila ng mga financial analyst at finance experts sa banking industry nila. Ang Taiwan naman umano ay nangangailangan ng mga English teachers.

Ayon sa POEA ito ay nangangahulugang hindi na lamang trabaho sa pabrika ang naghihintay sa mga Pilipino sa Taiwan. # Rowena Caccam/DzEQ

* * *

DTI hinikayat ang publikong magtipid

BAGUIO CITY (Nob. 5) — Nanawagan sa publiko ang Department of Trade and Industry (DTI)-Cordillera na magpatupan ng belt-tightening measures upang maagapan ang epekto ng expanded value added tax (EVAT) sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay DTI Consumer Welfare Division Chief Mimosa Regis, bagama’t hindi magiging masyadong malaki ang epekto ng EVAT sa presyo ng mga bilihin at pangunahing serbisyo, dapat magsagawa ng sariling hakbang ang mga mamimili upang lubos ng mapaghandaan ang mga ito.

Ani Regis, mahalagang matutunan ng mamimili na tangkilikin ang mga stablisimyentong mayroong mas murang presyo sa iba. # Rowena Caccam/DzEQ

* * *

Kahirapan kakambal ng paglobo ng populasyon

BAGUIO CITY (Nob. 5) — Ayon kay Ifugao Governor Benjamin Cappleman, magkakambal na suliranin ang kahirapan ang paglobo ng populasyon.

Sinabi ni Cappleman na nakakaalarma ang mabilis paglobo ng populasyon sa Ifugao. Aniya hindi maikakailang mas maraming anak ang mga pamilyang mas lugmok sa kahirapan.

Dagdag pa ni Cappleman resulta ito ng kakulangan ng impormasyon at edukasyon hinggil sa pagpapamilya. Aminado ang gobernador na hindi na magpangabot ang anti-poverty programs ng pamahalaan sa malaking populasyon. # Jhong Munar/DzEQ


Home | Back to top

Previous | Next