CORDILLERA NEWSBRIEFS
NORDIS WEEKLY
November 6, 2005

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

 

Konsehal, dating alkalde utak ng pagpatay kay Campol

BAGUIO CITY (Okt. 28) — Sina dating Boliney, Abra Mayor Benido Balao-as at incumbent Councilor Lino Buy-os ang sinasabing utak sa pagpaslang kay Atty. Eugenia Campol ng Public Attorneys Office dito sa lungsod.

Si Balao-as at Buy-os kasama si Pablo Porad ay sinampahan ng Baguio City Police Office (BCPO) ng kasong murder. Si Porad umano ang nakipagugnayan sa mga bumaril kay Campol.

Nauna nang kinasuhan sina Benedict Pasong at Benjamin Amrangen, ang itinurong mga gunmen ilang araw matapos mapatay si Campol. Hinihintay na lamang ng BCPO ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa limang suspect.

Si Campol ay binaril sa loob ng mismo ng kanyang garahe sa Camp 7.

Personal hatred ang tinitignang dahilan ng BCPO sa nasabing krimen. # Robert Tabay/DzEQ

* * *

Malacañang hiniling na magpaliwanag hinggil sa COLA

BAGUIO CITY (Nob. 05) — Nananawagan ang All Government Employees Unity sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), Alliance of Health Workers (AHW) at Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) dito sa Cordillera sa pambansang pamahalaan na linawin ang tunay na hakbang nito hinggil sa cost of living allowance (COLA) ng mga kawani ng pamahalaan.

Kinuwestyon ni Irene Nabunat, ACT Coordinator ang tunay na intension ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan sa hindi mawaring hakbang hinggil sa pagbibigay ng COLA.

Aniya, malaking palaisipan ang pagbawi ni Secretary Ricardo Saludo sa nauna nitong kalatas na inaatasan ang Department of Labor and Employment at Department of Labor and Employment na magsagawa ng hakbang para sa inisyal na pagpapalabas ng pondo para sa COLA. Ang naunang kalatas umano ay isang hakbang upang pagaralan ang posibleng implikasyon ng pagbabayad ng COLA. # Jhong Munar/DzEQ

* * *

4 na kawani mula sa Cordi pinarangalan

BAGUIO CITY (Nob. 5) — Mula sa 277 nominado sa tatlong pinakamataas na parangal sa buong bansa na kinabibilangan ng Lingkod Bayan Presidential Award, Pag-asa Award at Dangal ng Bayan Award, apat na kawani mula sa rehiyon ng Cordillera ang nagawaran ng pabuya at parangal ngayong taon.

Mula sa 183 nominado sa Lingkod Bayan Award, siyam ang nagwagi kabilang dito ang tatlong kawani mula sa rehiyon. At sa 74 nominado sa Dangal ng Bayan Award pito ang nagwagi kabilang ang isang mula dito sa rehiyon. # Jhong Munar/DzEQ


Home | Back to top

Previous | Next