|
NORDIS
WEEKLY November 6, 2005 |
|
Previous | Next |
||
A one-act play Bisita |
||
Tauhan:
Fil, baklang aktibista Papasok ang mga props people, magkakabit ng mga streamers sa stage. Naka-puting t-shirt na may print na “Junk VFA”. Sa streamers, nakasulat ang mga sumusunod na islogan: “Rehimeng US-ERAP, IBAGSAK!”, “US Troops OUT NOW!”, “VWISIT ang Vwisiting Forces Agreement!”, at “Visiting Foreign Agressors!” Lalabas ang mga props people. Papasok si FIL na may dalang dalawang blangkong plakard, lata ng pulang pintura, at paintbrush. Ibaba niya ang mga ito, at magsisimula ang monologo. FIL: Imbiyerna, imbiyerna, imbiyerna! Ikaw na nga ang nagmamagandang-loob...tama talaga ang Mudra ko, ang mga tao, “if you give them a hand, they will take the whole arm!” Sino ba naman ang hindi puputi ang bulbol kapag ganyan ang bisita mo? Aba, bigla ba namang tatawag ng dis-oras ng gabi at sasabihing, “Fil, puwede ba akong tumuloy diyan sa inyo? Emergency lang, may business lang akong kailangang asikasuhin dito sa Baguio.” Ditich? Paano ba akong tatanggi, nandoon na siya sa istasyon ng bus? Alangan namang pabayaan ko siyang matulog sa kalye? Saka, friend ko naman siya, diva? Buong akala ko ay overnight lang ziya, pagdating ba naman ay suitcase ang dala, na may trolley pa! Hindi na ako makaatras. May I ask naman ang beauty ko kung gaano katagal siya rito. Aba, “MA!” Malay daw niya, bahala na raw kung kelan matapos ang business niya. Fear of Papa God! Siyempre, Filipino hospitality ang kumubabaw sa akin na parang evil spirit! Pinatuloy ko siya sa home-sweet-home ko at inisip na mabuti na rin siguro ‘yung pagdating ni Sammy...at least, may kasama ako, just in case magka-giyera, or magka-lindol ulit dito. Heaven forbid! Pero kahit paano ko pa i-exercise ang imagination ko, hindi ko talaga maisip kung ano ang mapapala ko rito sa one-sided set-up na itich. Magsisimulang magpinta ng islogan si FIL sa unang plakard. FIL: Balahura ang leche! You’d think na meron siyang kiber na nakikitira lang siya. But NO! Ni hindi man lang mag-contribute sa cost ng pagkain. Anong akala niya sa anda ko, Niagara Falls? Nakikikain na nga, hindi pa nagliligpit ng pinagkainan! Hindi pa nagkukusa na hugasan ang pinggan. Akala yata ay porke ako ang may-ari ng bahay, ako ang dapat maglinis ng kalat niya. Tama ba naman ‘yon? Itich pa, may I buy ako ng strawberries isang araw, to reward myself dahil wagi ako doon sa isang e.d. na binigay ko tungkol sa LRP. Paggising ko kinabukasan, ang nakita ko na lang sa ref ay NOTE. Note, gaga, sulat! Huwag bastos ang isip, baka ma-d.a. kayo! Ang nakasulat ay: This is just to say, I have eaten the strawberries that were in the ref, and which you were probably saving for breakfast. Forgive me, they were delicious, so sweet and so cold. Love, Sammy. Papa God! Feeling William Carlos Williams pa siya! At may pa-love love pa! Akala niya ba ay cute ang ginawa niya? Hindi, ‘day! Magsismulang magpinta sa pangalawang plakard si FIL. FIL: Last week, nag-overnight ako sa picket ng mga workers sa Vital Farms, kaya binigyan ko siya ng susi sa bahay. Gusto kong magsisi noong na-sight ko kung gaano kaligaya ang mokong dahil free entry and exit na siya sa pamamahay ko. Umuwi na ako at lahat ay waz pa rin zinoli ang zuzi! Ang biza talaga ng zonrox! Hindi ko tuloy mabawi, dahil ibinigay ko na. Too late, baby, now, it’s too late! Mabuti na lang at wala akong karu, dahil kung meron, baka pati susi ng kotse ay pag-interesan! The worst part is, ‘nung isang gabing umuwi ako ng late galing sa miting, huling-huli ko siya! Caught in the act of...of...shabu-shabu! YESterday once MORE than WORDS get in the way! Gusto pa niya yata akong mapalayas sa bahay ko, o madamay sa drug bust. Ayoko naman yatang ma-presinto kung hindi as a political detainee, ano? O, anong nagawa ko? Napalayas ko ba? Hindi, ‘day! Paano ko palalayasin iyon, eh friend ko siya? Papasok ang isang PROPS PERSON, magkakabit ng mikropono, iche-check ang sound. FIL: Lost na lost na talaga ako. Ask naman ako sa collective ko kung ano ang dapat kong gawin sa ganitong luz valdes situation. Napagalitan tuloy ako. Bakit daw pinapayagan kong abusuhin ako ni Sammy? Ako raw ang may-ari ng bahay, ergo, ako ang sovereign. Kung ano ang rules ko, iyon ang dafat masunod. At ako ang magse-set ng terms and conditions ng pagtira niya sa bahay. Dapat sa simula pa lang, I made it clear to him. Nagpa-harrass daw ako sa taong mas malaki ang pangangailangan sa akin. And what for? Friendship! Papa God, sa tutoo lang, walang kuwentang kaibigan ‘yang si Sammy na iyan. Mabait lang siya ‘pag may kailangan siya, pero ‘pag ako na ang humiling, naku, flylalu ang bruja! Kesyo busy siya, kesyo magagalit ang nanay niya, kesyo wala siyang budget. Lahat na lang ng dahilan, meron siya. Ewan ko ba, kung susuriin ang history ng relasyon namin, wala naman talagang dahilan para maging mabait ako sa kanya. Ang pinagsamahan lang namin ay pareho kaming struggling baklush noong hayskul. Itataas ni FIL ang dalawang plakard. Ang nakasulat sa una ay: “WE’RE PROUD, WE’RE GAY,” ang nakasulat sa pangalawa ay: “WE’RE ANTI-VFA!” FIL: O, tarush! (Isasandal sa isang tabi ang mga plakard.) Ang tagal naman ng mga utaw. Akala ko ba vigil ito, bakit wala pa sila? Visiting Forces Agreement ba kanyo? Isaksak na lang nila sa baga nila ‘yan! Isang bisita lang, hindi ko pa mapaalis. Ganyan talaga kapag unequal ang relasyon, kapag walang respeto ang nanggagamit sa ginagamit. Aba, dapat lang na lumaban tayo habang may pagkakataon. Kahit mukhang wala nang pag-asa dahil sandamakmak ang bobo sa gobyerno, hindi tayo papayag ng ganon-ganon na lang, diva? Magsisimulang magdatingan ang mga kasama. FIL: (kakaway) Kapatid! Nasaan ang mga plakard ninyo? (sa audience) Hayaan niyo, pag-uwi ko mamaya ay talagang talagang talagang palalayasin ko na ‘yang Sammy na iyan. I have nothing to lose but my....alam niyo na iyon! NOTE: Since the Visiting Forces Agreement was ratified in 1999, several criminal cases have been filed against American soldiers, recently including the gang rape of a Filipina by six US marines who were in the country for Balikatan exercises. # |
||
Previous | Next |