LABOR
WATCH |
NORDIS
WEEKLY October 9, 2005 |
|
Previous | Next |
||
Marahas na dispersal ng mga rali, kinondena |
||
Martial Law ipinapatupad sa buong bansa MANILA (Okt. 5) — Walang ibang dapat sisihin sa araw-araw na karahasan sa lansangan kundi ang gobyernong Arroyo, ang militar at pulis lalo na ang mga elemento ng Special Action Forces (SAF) at National Capital Region Police. Hindi na makatao ang pagtrato sa mga mamamayan na nagpapahayag ng mga hinaing sa demokratikong paraan ng pagpoprotesta. Ito ang naging pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU). Muling nagtipon ang KMU, Bayan at iba pang grupo sa University of Sto. Tomas para muling bumalik sa Mendiola upang kondenahin ang Martial Law na ipinatutupad ngayon ng Malakanyang. “Sasalagin naming ang lahat ng atake ng gobyerno. Walang maaring makapigil sa makatwirang protesta ng taumbayan. Parang mga kriminal at hayop kung bugbugin ng mga SAF at pulis ang mga ralyista sa bisa Calibrated Preemptive Response ng Malakanyang. Wala na nang negosasyon, basta na lamang kinakaladlad at sinasaktan ang mga ralyista na walang dala kundi mga placard at flags. Samantalang ang mga pulis, kumpleto sa shield, truncheon at ang iba pa ay may knuckles,” ani KMU Secretary General Joel Maglunsod. Ayon sa lider manggagawa, hindi malayo na magkaroon ulit ng masaker sa mga lansangan dahil parang mga berdugo ang mga pulis at militar na nagdidispers sa mga mapayapang protesta. “Walang anumang patakaran ang maaring makapigil sa karapatan ng taumbayan na magpahayag. Nag-aastang diktador si Gloria sa Malakanyang para mailigtas ang sarili at liderato sa tiyak na pagbagsak sa malapit na hinaharap.” Mahigpit na kinondena ng KMU ang brutalidad ng gobyerno lalo na ang mga patakaran na nagpapakita na nagbalik nang muli ang Batas Militar sa bansa. Kabilang dito ang pagdami ng mga checkpoints sa buong bansa, pagmamadali ng pagpasa ng anti-terrorism bill at pagbuo ng isang taskforce sa ilalim ng kontrol ni Gen. Angelo Reyes. “Kamay na bakal na ang ipinatutupad ni Gloria. Apoy ng protesta naman ang isasagawa ng mamamayan para tunawin ang mala-bakal na CPR ni Gloria,” pagtatapos ni Maglunsod. # via NORDIS |
||
Previous | Next |