NORDIS WEEKLY
August 28, 2005

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

Pagtatayo ng kampo ng AFP sa Cagayan, hinarang

GATTARAN, Cagayan (August 16) — Mariing tinututulan ng mga residente ng Brgy. Tanglagan dito, sa pangunguna ng organisasyon ng mga magsasaka ang pagtatayo ng 17th IB, Charlie Coy ng kampo sa pangunguna ni Lt. Rodolfo Tuguera ng Philippine Army (PA).

Sa pahayag ng Alyansa iti Mannalon a Maaw-agawan ti Daga (AMADA) President Vicente C. Bilag, wala umanong nangyaring konsultasyon sa panig ng mamamayan.

Bagamat nagpatawag ng pulong si Brgy. Captain Benjamin Cabacungan walang napag-usapan sa naganap na konsultasyon kundi ang kung anong tulong ang maibigay ng bawat residente para sa pagtatayo ng nasabing kampo.

Dagdag pa ng mga residente, magmula nang dumating ang mga sundalo ay nagdulot sila ng takot at pagkabahala sa mga residente lalung-lalo na sa mga lider magsasaka dahil sa patuloy silang sinusubaybayan at tinitiktikan ang mga ito.

Tinututulan din ng mga ito ang pagrerekluta ng mga at pagtatayo ng mga kampo ng Citizens Auxiliary Force Gegraphical Unit (CAFGU) sa loob mismo ng barangay. # Aldrine Baggayan/Radyo Cagayano


Home | Back to top

Previous | Next