<script
type="text/javascript" language="javascript" src="http://www.webstat.net/java.php?user=15312"></script><noscript> <a href="http://www.webstat.net/v/" target="_blank"> <img src="http://www.webstat.net/webstat.php?user=15312" alt="Webstat Free Counter Tracker" |
NORDIS
WEEKLY July 31, 2005 |
|
Previous | Next |
||
Prayle sa makabagong panahon, gustong palayasin |
||
COMILLAS, Ilocos Sur (July 22) — Nananawagan ang mga residente ng Barangay Maipit, Comillas, Ilocos Sur sa mga kapwa residente na pumirma sa isang kasulatan para paalisin si Pastor Coloma ng Bettle Church na sangkot di umano sa paniningil ng mataas na buwis sa mga magsasaka sa naturang barangay. Ayon sa mga residente, ang mga pari ang namumuno sa Barangay dahil sila ang may hawak at may kontrol sa pondo nito. May sampung porsyento (10%) silang kinukuha sa kita ng bawat magsasaka sa naaani at nebebentang palay. “Sa paglipas ng apat na taon, nabalitaan na lang namin na may malaki siyang bahay sa syudad ng Baguio na kaduda-duda kung saan galing ang perang ginamit,” ayon kay Danny (hindi totoong pangalan). Noong unang dating ni Coloma, siya di umano ay tumutulong sa mga residente at maayos naman ang kanyang mga gawain bilang Pastor ng barangay. Ayon sa mga residente, nang lumaon at nagkapera na siya ay biglang nagbago ang ihip ng hangin dahil pati salita ng Diyos ay ginamit na niya para magkapera. Ayon naman kay Romeo Borcio, isang magsasaka, “kada misa, sinasabi ni Coloma na kapag malaki raw ang inihuhulog na abuloy ay malaki rin ang biyayang matatanggap mula sa Diyos kaya napipipilitan ang mga taong magbigay ng malaking halaga kahit wala silang pera.” “Sa katunayan, inaagaw pa niya ang isa pa naming kabuhayan, ang pag-quarry (maramihang paghakot ng graba at buhangin sa tabi ng ilog) dahil siya na mismo ang naghahakot ng buhangin sa pamamagitan ng kanyang sariling sasakyan. Ito ang dahilan kaya nawawalan ng trabaho ang mga residente, at kung bakit gusto naming lumayas siya,” dagdag pa niya. # Isagani Libongen para sa NORDIS |
||
Previous | Next |