<script
type="text/javascript" language="javascript" src="http://www.webstat.net/java.php?user=15312"></script><noscript> <a href="http://www.webstat.net/v/" target="_blank"> <img src="http://www.webstat.net/webstat.php?user=15312" alt="Webstat Free Counter Tracker" |
NORDIS
WEEKLY July 31, 2005 |
|
Previous | Next |
||
SONA ni GMA, tinuligsa sa Lambak Cagayan |
||
TUGUEGARAO CITY (Hulyo 25) — Matagumpay na nakapaglunsad ng malaking kilos-protesta ang mahigit 500 katao dito noong Hulyo 25 kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Gloria Macapagal-Aarroyo (GMA). Pinangunahan ng Bayan-Cagayan Valley (CV), Danggayan-CV, Kagimungan, Anakbayan, League of Filipino Students (LFS) at Gloria Step Down Movement (GSM) ang naturang pagkilos. Nagmartsa ang mga raliyista mula sa Don Domingo public market at binaybay ang College Avenue patungong lunsod ng Tuguegarao. Ayon sa mga militanteng grupo, panahon na para umalis sa Malakanyang si GMA dahil wala na itong nagawang mabuti para sa bayan, bagkus, lalo nitong nilugmok sa kahirapan ang mamamayan. Binigyang diin ni Ronald Reyes, tagapagsalita ng Kagimungan, na noon pa man hindi na natutugunan ni GMA ang kahilingan ng mga magsasaka ng lambak Cagayan. Aniya dagdag pahirap ang naging sagot nito sa pamamagitan ng mga anti-magsasakang programa at polisiya. Samantala, sinabi ni Atty. Egon Cayosa, tagapagsalita ng GSM-Cagayan, na hindi totoo ang lahat ng sinabi ni GMA sa kanyang SONA. Hindi umano nagsisilbi si GMA sa taong bayan kundi sa mangilan-ngilan lamang. Ayon sa mga raliyista, hindi solusyon ang pagbabago ng pampulitikang sistema sa bansa, katulad ng pagpapalit ng isang presidential na porma tungo sa federal na porma ng pamahalaan. Hindi rin umano charter change (Cha-Cha) o constitutional convention (Con-Con) ang solusyon para sa pagbabago ng ating lipunan kundi isang transitional council. Pagkatapos ng programa, pumirma ang mga raliyista sa isang Manifesto of Unity na simbolo ng pagkakaisa ng mga mamamayan ng Cagayan para sa pagpapatalsik kay GMA. Samantala, mahigit 300 katao ang nagtipon-tipon sa Ilagan, Isabela sa isa ring kilos-protesta. Bukod sa mga prgresibong grupo, dumalo sa Sona ng Bayan ang Bangon Pilipinas, CIBAC Partylist, Iglesia Filipina Independiente, Clergy Laity Formation Program at ibang indibidual na personalidad. Ang mga delegado ay mula sa iba’t-ibang panig ng Isabela, katulad ng San Mariano, Ilagan, Benito Soliven, Angngadana, Ones, Alicia, Santiago, Cordon, Cauayan, Tumauini, at mga probinsiya ng Nueva Vizcaya at Quirino. Pinangunahan ito ng GSM-Isabela. Inilatag din dito ang panukala para as transition council. # Aldrine Baggyan at Michael Agonoy para sa NORDIS |
||
Previous | Next |