NORTHERN LUZON NEWSBRIEFS
NORDIS WEEKLY
July 24, 2005

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

11 Cheat Death, 1 dies In Benguet Highway Mishap

SABLAN, Benguet (July 18) — A Baguio-bound passenger jeepney fell into a 50-meter ravine on July 18 in Brgy. Talete, here, which is some 30 minutes away from Baguio City. Eleven passengers were hurt.

Seventy-eight year old Badette Tinay, a resident of Sablan, however, was not that lucky. Driver Esnad B. Velasco sustained minor injuries and is now being treated at the Baguio General Hospital and Medical Center along with the 11 passengers.

Fire Officer 3 Randy Orchangon, a detailed service personnel at the Office of Civil Defense -Cordillera said that their initial investigation showed that the jeepney was said to have been speeding upbound Naguilian Road when it fell into the ravine.

The highway, according to Orchangon was slippery because of the continuous rains. Fog also enveloped the upward bends and the driver was speeding, the OCD officer said. “It was human error,” deduced Orchangon, as he claimed that the driver did not take caution of the highway conditions. # Artemio A. Dumlao for NORDIS

* * * * *

Sapat ang elektrisidad sa Kalinga at Apayao — KAELCO

BAGUIO CITY (Hulyo 23) — Inihayag ng Kalinga-Apayao Electric Cooperative (KAELCO) na hindi ito nagkulang sa pagbibigay ng elektripikasyon at patubig sa lalawigan ng Kalinga.

Ayon kay Clifford Alunday, tagapagsalita ng KAELCO, umaabot na sa 720 kabahayan sa 5 barangay sa lalawigan ang may elektrisidad na. Mayroon ding 630 kabahayan mula sa 3 barangay ang kasalakuyang napapasailalim sa elektripikasyon.

Sa taong ito aniya, 9 na barangay ang nakaprogramang mabigyan ng elektrisidad bagamat 4 sa mga ito ay kumatig sa pagpapatayo na lamang ng isang micro-hydro power plant.

Maliban dito, nakatuon din ang ibang programa ng KAELCO sa pangkabuhayan ng mga mamamayan, sa pamamagitan ng animal dsipersal at scholarship program para sa mga maralita. # Jhong Cabanas/DzEQ

* * * * *

South Korea nangangailangan ng OFWs

BAGUIO CITY (Hulyo 23) — Muli na namang nagbukas ang South Korea ng mga trabaho para sa mga overses Filipino workers (OFW), ayon kay Adela Daryo, tagapagsalita ng Philippine Overseas Employment Administration sa Cordillera (POEA-CAR).

Isang kautusan ang natanggap umano ng regional office na nagsasabing maari na namang tumanggap ng aplikasyon at magparehistro ang mga nais mag-apply sa South Korea. Bukas umano ito para sa mga highschool graduates na nais magtrabaho bilang factory workers sa naturang bansa. Maari na umanong magtungo ngayon sa POEA-CAR ang sinumang nais magsumite ng kanilang aplikasyon.

Noong nakaraang taon, umabot umano sa humigit-kumulang 300,000 Pilipino ang nagsumite ng aplikasyon sa POEA. Mula sa naturang bilang, 6,000 lamang ang nakapasa sa screening. # Rowena Caccam para sa DzEQ

* * * * *

Koleksyon ng BIR-CAR tumaas ng 9%

BAGUIO CITY (Hulyo 23) — Tumaas nang 9% o kabuuang P78 milyon ang nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue sa Rehiyon Kordilyera (BIR-CAR) mula buwan ng Enero hanggang Hulyo taon kasalukuyan.

Ito ang ibinahagi ni Jojo Gorospe, BIR-CAR Public Information Officer sa isinagawang staff conference ng naturang pamunuan kahapon.

Batay aniya sa talaan ng kanilang koleksyon, nahigitan nila ang kanilang koleksyon sa kahalintulad na panahon noong nakaraan taon.

Itinuturing aniya na isa sa pangunahin dahilan sa pagtaas ng koleksyon ang pagtugon ng mga negosyante at indibiduwal sa paqbayad ng buwis. Ito aniya ay epekto ng magkasunod na paghahabla ng BIR sa mga kilalang personalidad sa larangan ng entrtainment, pulitika at malalaking negosyante.

Kaugnay nito, malaki ang kumpiyansa ng mga revenue district officers (RDO) na makakamit nila ang target goal ng kanilang punong tanggapan hanggang sa katapusan ng taon sa kabila ng pabago-bagong target na ipinupukol sa mga ito. # Jhong Cabanas/ DzEQ


Home | Back to top

Previous | Next