<script
type="text/javascript" language="javascript" src="http://www.webstat.net/java.php?user=15312"></script><noscript> <a href="http://www.webstat.net/v/" target="_blank"> <img src="http://www.webstat.net/webstat.php?user=15312" alt="Webstat Free Counter Tracker" |
NORDIS
WEEKLY July 24, 2005 |
|
Previous | Next |
||
Baguio handa na sa SONA |
||
BAGUIO CITY (Hulyo 24) — Puspusan ang paghahanda ng mga grupong nananawagan ng pagpapatalsik kay Gloria Macapagal-Arroyo dito sa lungsod ng Baguio. Ayon kay Chie Galvez, isa sa mga convenor ng Gloria Step Down Movement (GSM) dito, bilang paghahanda sa nalalapit na malaking kilos protesta sa araw ng state of the nation address (SONA) ng pangulo, ang mga miyembro ng GSM ay nagdidikit ng mga poster at namimigay ng statement sa central business district. Ang ilang indibidwal at kinatawan ng mga organisasyon ay nagsasalita din sa ilang panayam sa lokal na radyo at telebisyon dito. Dagdag pa aniya, isang martsa-rali ang isasagawa ng GSM sa lunes, ika-25 ng Hulyo upang ipanawagan ang pagbibitiw ni GMA. Ayon sa grupo kung talagang nais ng pangulo na magkaisa at umunlad ang sambayanang Pilipino ay magresign na siya. Ang Youth Demanding Arroyo’s Removal (Youth DARE) ay maglulunsad ng malawakang walk-out mula sa kani-kanilang mga paaralan pagkatapos ng SONA ng pangulo, bandang 4 ng hapon. Ayon sa grupo dapat nang matanggal ang pangulo sa Malakanyang sa kahit anong paraan, mapa-impeachment, resignation o ouster man yan. Isa namang cultural night ang ihinahanda ng Dap-ayan ti Kultura ti Kordilyera (DKK) na pinamagatang “Adios Gloria”. Mag-uumpisa ito bandang alas 6 ng hapon hanggang alas 11 ng gabi sa araw mismo ng SONA ng pangulo. Inaasahang magiging makulay ang aktibidad na ito bunga ng iba’t ibang political groups at mga indibidwal na sasali na ang tanging hangad ay mapababa si GMA sa pagkapangulo. # Kim Quitasol para sa NORDIS |
||
Previous | Next |