<script type="text/javascript"
language="javascript"
src="http://www.webstat.net/java.php?user=15312"></script><noscript>
<a href="http://www.webstat.net/v/" target="_blank">
<img src="http://www.webstat.net/webstat.php?user=15312"
alt="Webstat Free Counter Tracker"

NORDIS WEEKLY
May 29, 2005

 

Home | To bottom

Previous | Next

Panaghoy sa ating panahon

Lagablab sa sinapupunan ng Bayan

ni Abraham Austin

  Yumakap sa akin ang matinding pangungulila
Sa katanghaliang- tapat na siyang tanging saksi
sa natuyot na lumbay sa kanayunan.
Naipaligo sa akin ang silahis ng liwanag,
Taglaying maipalasap ang poot at nagpapangalawang
Mukha, para damitan at pandayin ng prinsipyo’t
Ideolohiyang magiging sandatang haharap sa malupit,
Sakim at palalong pamunuan.
Dejavu’- na konting yaman ng aking kaisipan
Ay nasilayan; isang kalupitang kailanma’y di
Makatkat sa diwa at di rin pwedeng itago sa dibdib-
Katraydorang pagpaslang sa mga taong nagpapabantayog
Sa karangalan at karapatan ng mga pinagmamalupitan,
Pinagkakaitan, at pinagsasamantalahan ng mapagkunwaring
Gubyernong US-Arroyo !
Sinaklit at ibinuyangyang na nila ang nagpapati-among
Maskara at lumantad ang tunay na itsura- serpenteng
May sungay na baga, at bumubuga ang bunganga ng
Nakahihindik, nakakangilong higit pa sa lagablab
Ng asupreng lason, at sa munting dapyo nito’y
Isa-isang kinikitil ang mamamayang pilipino.
Hinahablot ng dila nito ang mga lider masa,
Lider magsasaka, ahente ng katarungan, media
At mga propeta ng simbahan.
Sa kanayunan, Ay !, nahuhugot ang buntong-hininga
Kapag humahandusay mula sa sipag at tiyaga
Ng bitak-bitak na pagkabuway ng kabukiran,
Katulad ng pagkabuwal ng mga maaksayang dayami,
Kalansay na ngayon ang noo’y naghihingalong karet,
Paghikaos ng mga araro, pagdalamhati ng mga kalabaw
Pag-iyak ng mga kaldero at saingan. Sapagkat “wala”,
Wala ng samyo ang mga tanim; pag-asang makatikim
Ng luwalhati. Ilan pa kayang pagpapahirap, pagsasamantala
At pangingitil ng buhay ang kahaharapin ng masalimuot
Na araw at maunsiyaming mga gabi ang daratal
Bago tuluyang sumapit ang buhos ng umuulang
Tagumpay ?
Sa kapatagan at mga siyudad, Ay !, laganap ang
Pagpapasya ng berdugo sa malakanyang, salaulang
Batas na humahagupit sa ating lahat, walang
Pinipili, nambubusabos, nagpapalipana ng mga
Berdugong barbaro, at nagsasanay ng pakikidigma
At ang atake nila’y lumaya ang mga panaghoy-
Sumisigaw ang mga impit na daing, sapagkat
Kinikitil ng walang kalaban-laban ang mga messiah
Ng bagong panahon.
Di nga ba’t mas nakaririmarim pa ang aparatong taglay ni
Madam Glorya ngayon kaysa kay Ginoong Marcos noon ?
Pangunahing pagkakakilanlan mula rehimeng Aquino,
Ramos, Estrada at ngayon nama’y si Gloria, ay ang
Malaganap na paglabag sa karapatang pantao.
(babalikan pa ba natin ang kabuktutan ni Herod “D Great”?)
Pareho lang sila ni G.W. Bush at ni GMA, magkamukha,
May magkakambal na maskara, parehong palalo, -iisa
Ang kulay, parehong linya ang tinatahak: Digma ng karahasan !
Nakalupasay na ang bansa natin sa walang patumanggang
Pagbagsak ng ekonomiya, pagtaas ng mga presyo…
Ano ang kinabukasan ang maari pang silayan ng mga
Sibol ng ating henerasyon ? Anong klaseng mundo at bansa
Ang kahaharapin ng mga uhay mula sa kasalukuyang
Sigwa ng kabuktutan ng pamunuan ?
Ihahain na lang ba natin ang mga binhi sa dayukdok na
Serpente ng lipunan ?
Hahayaan ba natin na tutuyutin ng dambuhalang
Linta sa pamunuan ng gubyerno ang ginintuang pawis
Sakripisyo, ng ating huwarang butil ng mga simulain ?
Sa kalagayang ang makinarya ng pagbabago’y nasa
Ating mga kamay at sinapupunan, datapwat dinadagit
Ng dambuhalang nagbabalat-kayong bagong mesias,
Sa panahong nanaghoy ang mga tunay na dakila
Mula sa kanilang mga hukay, dinig na dinig ang mga
hinaing mula sa mga biktima,- sa kanayunan man,
kapatagan, kabundukan at sa mga lansangan,
ay dinaluyan ng mga dugo.
HUSTISYA ! BATAS ? ako, ikaw, sila, tayong lahat !
Mga biktima ay walang puwang sa sakbibi ng ating
Dayukdok na gubyerno !
HINDI ! hindi kailanman nating hahayaang
Igugupo ng kinakalawang na estado ang dalisay
Na hangarin sa kasaysayan natin.
HUWAG ! huwag nating hayaang dungisan ng
Kabuktutan ng pamahalaan ang kabanalan
Ng ating mga simulain !

DI DAPAT ! hindi tayo dapat pagagapi sa mga
Berdugo’t mapagkunwaring US-GMA na laspagin nila
Ang ating matiwasay na para-isong kaytagal nating
Ipinaglaban !
TULOY ang LABAN mga kaibigan, mga kapatid
at kapanalig !
SUPILIN at putulin natin ang sungay ng naninibasib
Na serpente ng ating panahon !
Wakasan natin ang PANANAMANTALA !
IBAGSAK ang TERORISMO ng ESTADO !
ABUHIN ang mga PASISTANG MILITAR !
DURUGIN ang mga ligaw na kasangkot sa mga KARAHASAN !


Home | Back to top

Previous | Next