NORTHERN LUZON NEWSBRIEFS
NORDIS WEEKLY
May 29, 2005

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

<script type="text/javascript"
language="javascript"
src="http://www.webstat.net/java.php?user=15312"></script><noscript>
<a href="http://www.webstat.net/v/" target="_blank">
<img src="http://www.webstat.net/webstat.php?user=15312"
alt="Webstat Free Counter Tra

Mini-bus plunges into ravine in La Union

BURGOS, La Union (May 25) — A mini-bus bound for Luna town in Apayao province plunged into a 25-meter ravine along Naguilian Highway at Brgy. Old Poblacion here on Wednesday due to loose breaks.

Attending physicians at the Naguilian District Hospital in Naguilian town said 15 of the 23 passengers suffered contusions, abrasions, and other minor injuries. Only three were reported to have suffered serious injuries like bone fractures.

The driver, Geronimo Valdez suffered injuries on the head while bus conductor Femoy Zuniga was also hurt in the nose.

The mishap happened almost two weeks after another tragic mini bus accident along Marcos Highway in Tuba, Benguet where 29 passengers died. # Artemio A. Dumlao for NORDIS

* * * * *

Anti-drug project launched

URDANETA CITY (May 27) — A year-round community awareness campaign was jointly launched by the police and the local government to curb illegal drug operations here.

The project, hatched by former police chief Supt. Manuel Obrera, was dubbed as “Demand Reduction Scheme”. The project involves barangay officials, civic groups, the local teaching force and the Sangguniang Kabataan. A weekly consultation and action planning is held every Friday at the Urdaneta Cultural Complex.

Obrera said the community ought to take part in quashing illegal drug rackets here. # Jhong dela Cruz for NORDIS

* * * * *

Enrolment sa nursing at IT, tumaas

BAGUIO CITY (Mayo 27) — Tumaas ng 50% ang enrolment sa Nursing at 10% naman sa information technology (IT), samantalang bumagsak ng mahigit 30% ang enrolment sa mga kursong medisina at education, at 20% sa iba pang mga kurso.

Ito ang lumabas sa isinagawang pag-aaral ng Commission on Higher Education (CHED) sa lahat ng paaralan dito sa rehiyon.

Ayon kay Dr. Jhun Marchan ng CHED, ang pagtaas ng bilang ng enrolment sa nursing ay bunsod ng pagbubukas ng ibang bansa ng employment para sa Nursing partikular ang Estados Unidos at Europa.

Kasabay ng pagdami ng mga nursing student, mino-monitor ng CHED and kalidad ng edukasyon na ibinigay ng mga paaralan. Sinusulbaybayan ng CHED ang passing rate ng mga kumukuha ng Board Exam at ipinaaalala nila ang memorandum na maaring ipasara ang kursong nursing kung hindi kaaya-aya ang performance ng eskwelahan base sa monitoring result.

Dagdag pa niya, sa walong kolehiyo at unibersidad sa rehiyon na may kursong Nursing, tanging ang Saint Louis University (SLU) ang may quota. # Joseph Caccam/DzEQ

* * * * *

Panukala ni Chungalao, suportado ng APEC

BAGUIO CITY (Mayo 25) — Susuportahan ng Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) ang panukala ni Ifugao Representative Solomon Chungalao na amyendahan ang klasipikasyon ng host community sa operasyon ng mga dam.

Sa umiiral na klasipikasyon, tanging ang komunidad na pinagtayuan ng dam ang nabibigyan ng biyaya. Halimbawa na ang operasyon ng Magat Dam kung saan ang lalawigan lamang ng Isabela ang nakikinabang samantalang ang lalawigan ng Ifugao na pinanggagalingan ng tubig ay walang nakukuha.

Sa isang panayam kay Committee on Cooperative Chairman Ernesto Pablo, sinabi niya na pag-aaralan ng kanilang komite ang naturang bagay upang mabiyayaan naman ang mga komunidad ng nakakapagbigay ng suporta sa operasyon ng isang electric plant.

Ayon pa kay Pablo, kapag naaprobahan ang naturang panukala, maraming komunidad ang makikinabang, tulad ng bayan ng Itogon, Benguet na nalubog ang ilang bahagi sa tubig sa pagtatayo ng San Roque Dam sa San Manuel, Pangasinan. # Joseph Cabanas/DzEQ

* * * * *

Ani ng Kalinga, nanganganib sa El Niño

BAGUIO CITY (Mayo l9) — Inaasahang bababa ang aning bigas ngayong taon ng lalawigan ng Kalinga dahil sa epekto ng El Nino phenomenon.

Ito ang sinabi ni Tabuk Municipal Agriculturist Gilbert Cawis noong nakaraang Ginintuang Masaganang Ani workshop sa bayan ng Rizal kamakailan.

Ayon kay Cawis, noong nakaraang taon ay mahigit 170 kaban na bigas ang ani sa Tabuk samantalang sa unang anihan ngayong taon ay 80 kaban lamang.

Ang bayan umano ng Tanudan ay 10 ektarya na lamang ng bukirin ang natutubigan ng Chico River dahil madalang ang ulan dito. # Rowena Caccam/DzEQ

* * * * *

Trading post sa Manila, tulong sa mga magsasaka

BAGUIO CITY (Mayo 17) — Pagpapatayo ng isang trading post sa Metro Manila ang isa sa nakikitang paraan ng Sangguniang Panlalawigan ng Benguet upang kumita ng mas malaki ang mga magsasaka dito at sa Mt. Province.

Ani Board Member Sario Copas, mas malaki pa ang kinikita ng mga middleman kumpara sa mga magsasaka. Madalas umanong nalulugi ang mga magsasaka dahil binibili sa mababang halaga ng mga middleman ang kanilang gulay at ibebenta sa mataas na presyo pagdating sa Manila.

Sa pamamagitan umano ng trading post, masasawata ang ganitong gawain ng mga middleman.

Ayon pa kay Copas, sa panahong lumalakas ang kumpetisyon at pagpasok ng davuhang produkto, kailangan lamang na gumawa ng hakbang ang mga magsasaka upang manatili sa sirkulasyon. # Joseph Cabanas/DzEQ

* * * * *

Peace pact ng Guilayon at Madukayan, sinimulan

BAGUIO CITY (Mayo l6) — Pormal nang sinimulan ng lokal na pamahalaan ng Kalinga at Mt. Province ang usapang pangkapayapaan upang matigil ang bangayan ng tribong Guilayon sa Kalinga at Madukayan sa Mt. Province.

Ayon kay Kalinga Provincial Police Director William Aspilan, ang negosasyon ng dalawang tribo sa Tabuk, Kalinga sa pangunguna ng mga lokal na pamahalaan ay malapit nang simulan.

Nag-ugat ang nasabing tribal conflict sa pagkapaslang kay Judge Milnaw Lammawin ng Guilayon at Edwin Lingbawan ng Madukayan.

Si Lingbawan ay dating drayber ni Mayor Camilo Lammawin na napaslang habang nasa isang official trip kasama ang alkalde.

Idinagdag pa ni Aspilan na kinakailangan nang maisagawa ang negosasyon sa pagitan ng dalawang tribo upang mapigilan ang pagdanak ng dugo. # Jhong Munar/DzEQ

* * * * *

Mt. Province, nangangailangan ng 50 guro

BAGUIO CITY (Mayo 16) — Nangangailangan ng 50 bagong guro ang Mt. Province.

Ayon kay Depatment of Education (DepEd) Division Administrative Officer Angel Lapom, pangunahing may teacher shortage ang bayan ng Paracelis na may isang guro para sa 70 estudyante. Pumapangalawa ang Bauko na may isa para sa 61 estudyante. Aniya masyado itong mataas kumpara sa ideyal na isang guro para sa 45 estudyante.

Ayon kay Lapon, inaasahang tataas ang bilang ng mga estudyante ngayong pasukan kung kaya’t kailangan nila ng mga bagong regular na guro. Aniya hindi magandang iasa sa mga volunteer teachers ang pagtugon sa nasabing problema.

Ang mga volunteer teachers ay tumatanggap lamang umano ng PI 5, 000 sa isang taon. Humigit kumulang 180 volunteer teachers ang ginamit umano ng probinsya noong 2002. # Rowena Caccam/DzEQ


Home | Back to top

Previous | Next