BAGUIO NEWSBRIEFS |
NORDIS
WEEKLY May 8, 2005 |
|
Previous | Next |
||
<script
type="text/javascript" |
||
Pagrehistro sa CDA, pabor sa BENECO consumer BAGUIO CITY (Abril 30) — Pabor sa member-consumers ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) ang pagpaparehistro nito sa Cooperative Development Authority (CDA). Ito ang binigyang diin ni BENECO General Manager Gerardo Verzosa sa ginanap na briefing noong Abril 29. Isa sa nakikitang bentahe ay ang tax exemption. Sinabi ni Verzosa na kapag walang babayarang tax ang BENECO wala nang dahilan upang magtaas pa ng singil sa kuryente. Dagdag pa niya, kapag nakarehistro na ang BENECO, malaya na ito sa mga regulatory functions ng National Electrification Administration tulad ng pagkuha ng general manager at pagtanggal ng mga empleyado. Maliban dito sinabi rin ni Verzosa na magkakaroon ng kalayaan ang BENECO na magdesisyon kung saan gagamitin ang surplus ng kooperatiba pagkatapos ng malawakang konsultasyon sa mga member-consumer. Kailangang magparehistro na ang BENECO bago matapos ang deadline na itinakda ng batas sa May 2006. # Robert Tabay/DzEQ * * * * * 3 mayor sa Abra nagreklamo sa NAPOLCOM BAGUIO CITY (Abril 30) — Naghain ng pormal na reklamo sa National Police Commission-Cordillera Administrative Region (NAPOLCOM-CAR) ang mga mayor ng Tineg, Malibcong at Lacub sa Abra laban sa isinasagawang company revamp ng Philippine National Police (PNP). Bunsod nito naantala ang paglilipat ng mga pulis mula sa nasabing bayan. Paliwanag ng nasabing mga alkalde, epektibo naman ang kasalukuyang mga pulis na nakadestino sa kanilang mga bayan. Dagdag pa, anila, may posibilidad na mahirapan ang mga ililipat na pulis dahil kakailanganin nang sapat na panahon para sa pamilyarisasyon sa lugar. Hinihintay pa ng NAPOLCOM-CAR ang desisyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Angelo Reyes hinggil sa nasabing petisyon. # Jhong Munar/DzEQ * * * * * Bilang ng aborsyon sa Baguio, nakakaalarma BAGUIO CITY (May 5) — Nakakaalarma na ang bilang ng aborsyon sa lungsod ngayon. Ito ang pahayag ni City Population Officer Zenaida Quijano sa isang panayam. Ayon sa talaan ng City Population Office, umabot na sa 488 ang bilang ng mga kaso ng aborsyon na naitala mula noong Hunyo 2004 hanggang sa kasalukuyan. Sa naturang bilang, 420 ang spontaneous abortion, 45 ang induced abortion at 23 ang septic abortion. Ang malaking bilang ng spontaneous abortion ayon kay Quijano ay resulta ng hindi malusog na pagbubuntis at kakulangan sa kaalaman hinggil sa pagbubuntis ng maraming kababaihan dito. Dahil sa nakakaalarmang istatistika, siniguro ni Quijano na pagiibayuhin ng CPO ang kampanya para sa mas malusog na pagbubuntis. # Rowena Caccam/DzEQ * * * * * Presyo ng baboy sa Baguio di tataas BAGUIO CITY (May 5) — Siniguro ni City Veterinarian Dr. Brigitte Piok na sapat at hindi tataas ang presyo ng karne ng baboy sa lungsod sa kabila ng quarantine na ipinatupad noong Abril 25. Ang nasabing quarantine ay bunsod ng idineklarang outbreak ng foot and mouth disease (FMD) sa lungsod. Magtatapos ang nasabing quarantine sa Mayo 24. Sinabi ni Piok na hindi kailangang magtaas ng presyo ng karne ng baboy dahil may alternatibong mapagkukunan ng baboy. Dagdag pa niya, sa halos isang buwan na pagkakasara ng mga koral sa lungsod, umaabot pa rin sa quota ang kinakatay na baboy araw araw. Kaugnay nito wala na umanong bagong kaso ng FMD na naitala dito sa lungsod. Aniya agad na pinapatay at sinusunog ang mga baboy na natutuklasang may FMD. # Rowena Caccam/DzEQ * * * * * City mayor maintains stand vs. Jadewell BAGUIO CITY (May 4)—City Mayor Braulio Yaranon maintained his stance recognizing the right of the citizenry not to pay public revenue to a private entity such as Jadewell. On Feb. 9, the Supreme Court (SC) issued a writ of preliminary mandatory injunction ordering Yaranon to re-open the “streets and/or premises operated and/or occupied by Jadewell. On February 21, the mayor replied that the parks operated by the said corporation are always open. The SC then issued a decision stating that Yaranon is guilty of direct and indirect contempt. Yaranon clarified that after the SC issued the Temporary Restraining Order (TRO), they re-opened the street an parking space but left the Ganza and Burnham parking spaces closed because that is covered by the Burnham Park Reservation. The Office of the Mayor then filed the appropriate pleadings to reconsider the contempt resolution. This is in retaliation for Jadewell’s contention that they had violated the TRO. # Sharon L. Ayes and Carole Jean Cupag/UP Baguio Interns for NORDIS * * * * * Biodiesel:City’s answer to unhealthy air BAGUIO CITY (May 5) — The city government is now taking remedial measures to solve the problem of air quality here after a series of complaints from Baguio City constituents. Mayor Braulio Yaranon said that the city government is now implementing an information dissemination campaign on the use of biodiesel as an additive diesel fuel to reduce pollutants coming from vehicle engines. Biodiesel is a clean alternative fuel produced from domestic and renewable resources. It can also be derived from vegetable oils and animal fats that results to a substantial reduction of unburned hydrocarbons and nitrogen oxides which are major smog forming precursors. Also, the biodiesel is non-toxic, biodegradable and contributes no harm
to the public health. It can also save money and time compared to the
other petroleum products available in the market. |
||
Previous | Next |