<script
type="text/javascript" language="javascript" src="http://www.webstat.net/java.php?user=15312"></script><noscript> <a href="http://www.webstat.net/v/" target="_blank"> <img src="http://www.webstat.net/webstat.php?user=15312" alt="Webstat Free Counter Tra |
NORDIS
WEEKLY May 8, 2005 |
|
Previous | Next |
||
Pinarangalan ng KMU-Cordillera ang mga binhi ng kilusang paggawa sa rehiyon |
||
BAGUIO CITY (Mayo 6) — Kasabay ng pagdiriwang ng Kilusang Mayo Uno (KMU)-Cordillera sa ika-25 taon ng KMU at paggunita ng Araw ng Paggawa noong Mayo 1, kinilala nito ang mga binhi ng tunay, palaban at makabayang kilusang paggawa sa rehiyon. Kabilang sa mga nabigyang parangal ay mga lider-manggagawa, organisador, abogado, taong simbahan at iba pang mga propesyunal na naging instrumental sa pagsulong ng tunay, palaban at makabayang unyonismo sa loob ng 25 taon ng KMU dito sa Cordillera. Ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ang nasabing mga bayani. Binigyan ng post-humous award si Matthew Guiniden o Manong Mat sa mga kasamahan at manggagawang pinagsilbihan niya. Siya ay dating minero ng Antamok Mines na naging aktibo sa pakikipaglaban para sa kagalingan ng mga manggagawa sa minahan. Hindi nagtagal at siya ay naging isang lider-masa at organisador sa iba’t-ibang minahan. Halos tatlong dekadang nanilbihan si Manong Mat sa mga manggagawa at kalakhang mamamayan sa rehiyon. Iginupo siya ng sakit noong 2000. Malugod na tinanggap ni Gng. Betty Guiniden, may-bahay ni Manong Mat ang sertipiko. Ginawaran rin ng sertipiko si Manang Betty para sa walang kapagurang suporta at serbisyo sa mga pagkilos at laban ng mga manggagawa. Tumulong si Manang Betty sa pag-oorganisa ng mga asawa ng mga minero at iba pang manggagawa sa rehyon. Kabilang rin sa mga binigyang pugay ay sina Art Malecdan, Charles Fumeg-as, Lino Jacob, Rodel Laroza, Jun Espejo at James Tulipa pawang mga manggagawa at organisador na hanggang sa kasalukuyan ay kumikilos sa kilusang-paggawa. Kinilala rin sina Atty. Federico Bunao at Atty. Raul Molintas, mga abogadong nagsisilbi para sa interes ng mga manggagawa. Kasama rin sa mga ginawaran ng sertipiko sina Salvador Ramo at si Engr. Catalino Corpuz mga propesyunal na naging organisador sa hanay ng ng manggagawa. Si Corpuz ay dating lider-manggagawa ng Philacor, isang malaking pabrika s Metro-Manila. Ayon kay James Tulipa, tagapagsalita ng KMU-Cordillera, ang nasabing mga bayani ay walang pag-iimbot na nagsilbi sa mga manggagawa. Binanggit din ni Tulipa na hindi mapapantayan ang kanilang sakripisyo para sa kagalingan ng kilusang paggawa. Hinamon ni Tulipa ang mga dumalo sa naturang okasyon na ipagpatuloy ang mga sinimulan ng mga pinarangalang bayani. Ayon naman kay Lorico “Ka Jun” Espejo, Regional Coordinator ng KMU-Cordillera, isang dakilang gawain ang pagsisilbi sa uring manggagawa. Ito ang kauna-unahang pagbibigay parangal na iginawad ng KMU-Cordillera. # Aldwin Quitasol para sa NORDIS |
||
Previous | Next |