NORTHERN LUZON NEWSBRIEFS
NORDIS WEEKLY
May 1, 2005

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

Bridge program hindi na ipapatupad

BAGUIO CITY (Abril 26) — Hindi na ipatutupad ng pamahalaan ang kontrobersyal na bridge program ng Department of Education (DepEd) ngayong taon bagkus hihigpitan na lamang ang acceptance policies para sa incoming first year high school students ng mga pampublikong high school sa bansa.

Ito ang sinabi ni Baguio City National High School (BCNHS) Principal Elma Dona-al sa isang panayam.

Ayon kay Dona-al, dahil hindi na magkakaroon ng bridge program magiging basehan ang gradong nakuha ng mga grade six pupils sa National Elementary Achievement Test (NEAT) sa pagtanggap sa kanila sa high school. Aniya kailangang ulitin ng pupil ang grade six kung sakaling hindi siya pumasa sa NEAT. Pero kung sa tingin ng eskwelahan ay may pag-asa pang makabawi ang pupil sa kanyang grado, maari siyang tanggapin sa high school pero isasailalim siya sa isang remedial program.

Ang remedial classes ay isasagawa ng mga guro pagkatpos ng regular classes at tuwing Sabado. # Rowena Caccam/DzEQ

* * * * *

Boundary dispute nais malutas ng mga katutubo ng Abra

BAGUIO CITY (Abril 28) — Ang pagresolba ng boundary dispute sa pagitan ng Abra at Kalinga ang isa sa nais malutas ng mga katutubong nakatira sa mga apektadong komunidad.

Ito ang sinabi ni Perfecto Matnao, punong barangay ng Bangilo, Malibcong, Abra sa isang panayam sa katatapos lamang na pagdiriwang ng Cordillera Day 2005 noong Abril 23-24 sa nasabing lugar.

Sinabi ni Matnao na ayon sa Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) na inisyu ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) lumampas ang boundary ng Brgy. Bangilo at Brgy. Mabaka, Kalinga. Nailipat din umano ang muhon na siyang patunay ng boundary sa pagitan ng Bangilo at Brgy. Salegseg ng Kalinga.

Umaasa ang mga katutubo ng Abra na maresolba ang nasabing problema sa mapayapang paraan at hindi humantong sa tribal war. Ang nasabing problema ay isa sa mga inihapag na problema sa naturang lugar ngunit walang elders ng Kalinga na dumalo.

Ayon pa kay Matnao, pumayag ang NCIP na ayusin ng elders sa kanilang level bago dalhin sa ibang venue ang nasabing di pagkakaunawaan. # Robert Tabay/DzEQ

* * * * *

EO para sa ID system kinuwestyon

BAGUIO CITY (Abril 26) — Kinukwestyon ng ilang mambabatas ang constitutionality ng pagpapalabas ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa isang Executive Order para sa implementasyon ng National Identification System sa bansa.

Ito ang sinabi ni Bayan Muna Partylist Representative Joel Virador sa ikadalawamput isang taong pagdiriwang ng Cordillera Day sa Bangilo, Malibcong ,Abra.

Ayon kay Virador kapansin-pansin ang pagmamadali ng administrasyon upang maisulong ang Id system at ang katuwang nitong Anti-terrorism Bill.

Dagdag ni Virador ang naturang mga programa ay panghihimasukan sa pribadong buhay ng mga mamamayan lalo na ang mga nagsisilbing kritiko ng pamahalaan.

Ayon naman sa pamahalaan ang naturang mga hakbang ay naglalayong sugpuin ang terorismo sa bansa. # Robert Tabay/DzEQ

* * * * *

BPI kinondena ng board member ng Benguet

BAGUIO CITY (Abril 26) — Mariing kinondena ni Benguet Board Member Aloysius Kato ang mga opisyal ng Bureau of Plant industry (BPI) sa hindi nila pagtalima sa rekomendasyon ng mga eksperto mula sa Benguet State University (BSU) ukol sa importasyon ng carrots mula sa China.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Kato na sa kabila ng rekomendasyon ng huwag mag-import ng carrots ay itinuloy pa rin ng BPI ang pagsasagawa ng Pest Risk Analysis (PRA) at inirekomendang maaring magangkat ng carrots.

Aniya kung naging sensitibo lamang ang BPI sa kapakanan ng mga magsasaka ay hindi nila maggagawang irekomenda ang pag-angkat ng naturang gulay.

Matatandaang sa pananaliksik ng BSU, natuklasan na sari-saring peste na hindi pa matatagpuan sa bansa ang maaring dalhin ng nasabing carrots mula sa China. Ayon din sa BSU ang pagpasok ng nasabing mga peste ay makakapinsala hindi lamang sa carrots kundi maging sa iba pang mga gulay at tanim sa bansa. Dagdag pa rito, kapag natuloy ang pagkalat ng nasabing mga peste hindi lamang ang mga magsasaka ng Benguet at Mt. Province ang mapipinsala kundi ang lahat ng magsasaka sa buong bansa. # Joseph Cabanas/DzEQ

* * * * *

Retrenched workers pinapalayas ng Philex

BAGUIO CITY (Abril 26) — Pinutulan ng kuryente at tubig ng pamunuan ng Philex Mining Company ang mga retrenched workers nito upang mapilitang umalis ang mga ito.

Ito ang sinabi ni Teresita Manzano, tagapagsalita ng mga empleyado sa isang panayam.

Ayon kay Manzano, maliban sa pagputol ng serbisyo ng kuryente at tubig sa mga bunk house na tinutuluyan ng retrenched workers ay pinagbantaan pa ang mga ito ng pamunuan ng Philex na sapilitan silang palalayasin pagdating ng Mayo 10 kung hindi pa sila kusang aalis.

Dagdag pa ni Manzano naging marahas ang mga security guard na nagsagawa ng pagputol ng kuryenta at tubig. Aniya sapilitang pinasok ng mga security guard ang kanilang mga bahay at maging ang mga nakakandadong bahay at pwersahang binuksan habang wala ang mga okupante.Umaabot sa 20 pamilya ang lumisan sa Philex mine site simula ng putulin ang nasabing mga serbisyo.

Kaugnay nito, sinulatan ng sanguniang panlalawigan ng Benguet sa Commission on Human Rights (CHR) para bigyang pansin ang nasabing insidente. # Joseph Cabanas/DzEQ

* * * * *

Lung cancer pangunahing nakamamatay na sakit

BAGUIO CITY (Abril 28) — Nananatili pa rin ang lung kanser bilang pangunahing nakamamatay na sakit sa rehiyon.

Ito ang sinabi ni Dr. Victor Aberin, hepe ng Degenerative Diseases Division ng Department of Health sa Cordillera.

Aniya, ito ay mauugat sa mataas na insidente ng paninigarilyo sa Cordillera.

Sumusunod naman sa listahan ang breast cancer na kung tutuusin ay 100% ang curability kung maagang nadiagnose.

Dagdag ni Aberin, madali maiwasan ang breast cancer kung regular na nagpapatingin, kahit isang beses sa isang taon. Kaugnay nito, layunin ng DOH ngayong taon na palawakin ang sistema ng pagkalap nito ng datos hinggil sa sakit na kanser. Hindi na lamang umano ililimita sa mga records ng ospital ang pagkalap ng datos, isasali na rin ang daan-daang rural health units sa rehiyon.# Rowena Caccam/DzEQ

* * * * *

Cops foil Ifugao heist

LA TRINIDAD, Benguet (April 26) — Alfonso Lista policemen foiled yet another supposed heist in Ifugao province last April 24, Cordillera police said.

According to Cordillera police director Chief Supt. Noe Wong, the policemen collared all five suspects. Wong identified the five suspects as Leonardo C. Castillo, 31; Elmer S. Villapa, 32; Alfredo C. Cajas, 24; Joel C. Fontanilla, 33; and John V. Castillo, 28, all from Santiago City, Isabela. The suspects reportedly robbed at gunpoint 52 year-old businesswoman Rosalinda P. Abad and 17 year-old student Bobby B. Lidang in sitio Zamora, Alfonso Lista Poblacion several minutes past 8 a.m. on the said day.

Wong narrated that after carting away the victims’ P198,031.95 cash, Isuzu Elf truck and two cellular phones, the suspect fled. He added that the policemen in the said province cornered the suspects in San Quintin, Alfonso Lista. Authorities said a brief exchange of gunfire prompted the suspects to surrender.

Wong said a caliber 45 pistol was confiscated from the suspects who were brought to Alfonso Lista police station. Criminal charges are being prepared against the five. # Artemio A. Dumlao for NORDIS


Home | Back to top

Previous | Next