NORDIS WEEKLY
April 24, 2005

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

Opisyal ng BPI, importers nag-walk-out sa PRA

BAGUIO CITY (Abril 21) — Nag-walk out ang ilang mataas na opisyal ng Bureau of Plant Industry (BPI) at importer ng gulay matapos magkaroon ng deadlock sa katatapos na pangalawang public consultation hinggil sa pest risk analysis (PRA) sa Metro Manila noong Abril 20.

Ayon kay Benguet Board Member John Kim, naganap ang nasabing walk out matapos iprisinta ng pest experts mula sa Benguet State University (BSU) na may 12 peste at bakterya ang carrots mula sa Tsina.

Dagdag ni Kim, hindi matanggap ng BPI at importers na may peste ang inangkat nilang carrots kaya humingi sila ng panibagong pagsusuri upang masiguro umano kung tama ang findings ng BSU.

Agad namang tinanggap umano ng mga magsasaka ang mungkahing suriin muli ang mga carrots.

Ang public hearing ay dinaluhan ng mahigit 200 magsasaka kasama sina Mt. Province Congressman Victor Dominguez at Benguet Congressman Samuel Dangwa.

Inaasahang magaganap ang ikatlong public hearing hinggil sa nasabing PRA ng carrots sa unang linggo ng Mayo dito sa lungsod.

Matatandaang naganap din sa lungsod ang unang public hearing hinggil sa PRA noong Abril 11 kung saan mahigit 1,000 na magsasaka mula sa Benguet at Mt. Province ang nagpiket upang igiit ang kanilang pagtutol sa importasyon ng carrots.

Ang PRA ayon sa BPI ay isinagawa upang mapigilan ang pagpasok ng mga peste mula sa ibang bansa bunsod ng importasyon.# Joseph Cabanas/DzEQ


Home | Back to top

Previous | Next