NEWSBRIEFS
|
NORDIS
WEEKLY April 3, 2005 |
|
Previous | Next |
||
|
||
Kaso ng “overnutrition” sa CAR, dumami BAGUIO CITY (Mar. 30) — Tumaas sa 300% ang mga kaso ng overnutrition dito sa rehiyon sa nakalipas na dalawang taon. Ito ang inihayag ni Dr. Micaela Defiesta, pinuno ng Regional Nutrition Council-Cordillera Administrative Region (RNC-CAR). Ayon kay Defiesta, hindi malnutrition kundi overnutrition ang pangunahing problemang pangnutrisyon ng rehiyon. Aniya, ito ay dahil na rin sa kultura at kaugalian ng mga taga-Cordillera na mahilig kumain ng karne. Ito ay lalo umanong napatunayan sa katatapos lamang na National Nutrition Conference na kanyang dinaluhan. Dahil dito, pinagsisikapan umano ng kanilang tanggapan ang pagbuo ng isang koalisyon ng mga government agencies na tutulong sa pagbabahagi ng impormasyong pangnutrisyon sa rehiyon upang matugunan ang lumalalang problema ng overnutrition. Samantala, sinabi rin ni Defiesta na stroke at heart attack ang pangunahing sanhi ng pagkamatay dito sa lungsod. Dagdag pa aniya, non-communicable na mga sakit ang pangunahing sanhi ng pagkamatay dito sa rehiyon ayon sa kanilang talaan.# Rowena Caccam/DzEQ ***** Ilang konsehal ayaw ilipat ang BGH flyover fund BAGUIO CITY (Mar. 30) — Isang alyansa ang nabubuo ngayon sa ilang miyembro ng Sangguniang Panglunsod na hindi sumusuporta sa panukala ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ilipat ang pondong nakatakda sa Baguio General Hospital (BGH) flyover tungo sa infrastructure projects sa Benguet at Kalinga. Ayon sa mga ito, mas maganda kung ibalik na lamang ang P44 milyong pondo ng nasabing flyover sa pagpapaunlad sa Palispis-Aspiras highway. Anila, marami pang kritikal na lugar ang naturang highway na dapat palawakin upang maiwasan ang sakuna. Ang naturang hakbang ay bunsod ng isang panukala ni Councilor Leandro Yangot. Aniya mas maraming sigalot, court cases, technical malversation at iba pang legal na aksyon laban sa local na pamahalaan. Dagdag pa ni Yangot, dapat lamang na mga residente ng lungsod ang makinabang sa nasabing pondo at hindi mga karatig na lalawigan.# Rowena Caccam/DzEQ ***** Empleyado ng BeGH di tutol sa pribatisasyon BAGUIO CITY (Mar. 30) — Pinabulaanan ni Dr. Esteban Piok, administrator ng Benguet General Hospital (BeGH) ang balitang tutol sila sa pagiging economic enterprise ng ospital. Ayon kay Piok, hindi sila tutol sa naturang hakbang. Kailangan lamang umanong maipaliwanag ang ilang usapin, particular ang magiging katayuan ng mga regular na empleyado. Aniya, hanggat hindi malinaw ang naturang isyu, may ilang grupong nagbabalak mag-alsa at hindi suportahan ang nasabing hakbang. Dagdag pa nito, ang pagiging economic enterprise ay isang paraan upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng ospital. Samantala, usad pagong naman ang pag-aksyon ni Gov. Borromeo Melchor
sa pagtalaga ng Board of Trustees ng BeGH na siyang mapapatupad ng implementing
rules and regulations ng ordinansyang nagbibigay daan para sa pribatisasyon
ng ilang bahagi ng pagamutan.# Joseph Cabanas/DzEQ |
||
Previous | Next |