Nordis Weekly, March 20, 2005
 

Home | To bottom

Previous | Next
 

UP BC-130-B students holds independent film festival

BAGUIO CITY (Mar. 17) —Broadcast Communication 130 (BC 130) students under Celeste V. Lumasac will feature the following films from March 22 to 23 at the Vocas Restaurant and the SM City Cinema 2, respectively:

APO LAKAY

Sa muling pagsapit ng dapithapon, muli’t muli nating naaalala ang kahapon.

Ang Apo Lakay ay kuwento ng isang matanda na nais umalagwa sa relokasyong inihain sa kanilang lugar, nagpupumilit manirahan sa lugar kung saan magpapatayo ng minahan. Ang matanda na lamang ang di pumapayag gayong karamihan sa kaniyang mga kanayon, kabilang ang binatang kasama sa bahay ay umayon na lamang sa kung ano ang sinasabi ng kinauukulan.

At sa yugtong halos mawalan na ng pag-asa ang matanda dahil sa mga nakikitang ginagawa ng mga kanayon, muli nitong naalala ang kaniyang kasaysayan. Muling bumalik sa kaniyang gunita na minsan siya’y naging isang mandirigma. Isa siya sa mga naging kasama ni Macli-ing Dulag na nakibaka at nakipaglaban upang tumutol sa planong pagpapatayo ng sinasabing Chico Dam.

Muling bumalik ang alaala ng kanilang paghihirap at pasakit na dinanas kasama si Mithi, ang kaniyang/tinatangi. Sa yugtong ito, kaniyang napagtanto kung gaano kahirap ang kanilang naging landas tungo sa pakikipaglaban sa mga sumupil sa kanilang lugar.

Subalit gaano man ito katapang at kadunong na mandirigma noon, may magagawa ba ito para sa panibagong henerasyon? At sa pagharap sa suliraning muling bumalot sa tinubuang lupa, tunay nga ba na ang ngavon ay maaaring bunga ng kahapon, subalit kailanman ang kahapon ay wala nang magagawa para sa ngayon?

Inihahandog ng Likhaang Tangatang, sa pakikipag-ugnayan ng Cordillera People’s Alliance, “APO LAKAY.”

BAHAGHARI

The film basically focuses on homosexual love, friendship, and struggle. Carlo, the main character of the film, together with his three other gay friends John, Anton, and Sam experience the ups and downs of their chosen gender. Each one encounters basic problems especially those regarding relationships, family, and work. That is why; there never a dull moment with the four.

Carlo, who has a boyfriend for five years, deals with the issue of time and attention in a relationship. His boyfriend finds it hard to give him time because of his work. Anton learns the most important break-up rule with the help of his friends. John, opens the door of his heart again for his ex-boyfriend, while Sam opens heart for his first real love. In the end, each of them learns something about relationships.

Those that take them somewhere unexpected. Those that are old and familiar. Those that bring them far from where they started, and those that bring them back. But the most exciting, challenging and significant relationship of all, is the one they have with themselves. #

BITAK

“Makita mang walang lamat at patag ang ibabaw ng lupa, bibiyakin iyan ng panahon at mga pangyayari.”

Si Kaia, isang babaeng naghahangad at nagtagumpay na kilalanin ang sarili sa pamamagitan ng paglayo sa kinagisnang buhay at pagmamahaL ngunit sukbit pa rin ang agam-agam kung ang buhay at pagmamahal na nilisan ay dadatnan pa rin.

Si Julianne na nagmamahal ng lalaking matagal na iginupo ng pananabik sa yakap ng ibang pag-ibig at binalot ng pangamba sa posibleng pag-alpas ng hiram na pagtingin.

Si Amena na nabubuhay sa bawal na pag-ibig at ballot ng kalungkutang dala ng maling tadhana.

At si Eric na taglay ang latay ng mapanghusgang lipunan ngunit pilit na tinatabunan at pinaalpas ng panlilinlang at represyon sa sarili.

Apat na kwentong kumakatawan sa kabuuan ng imperpeksyon. Ngunit ano ba ang perpekto at sino ba?#

“DEDLAYN”

Isang talunan sa buhay ang tingin ni EUGENE sa kanyang sarili. Hindi siya makahanap ng maayos at permanenteng trabaho, Hindi niya masabi-sabi sa isang babae na itinatangi niya ito at pakiramdam niya’y wala siyang mukhang maihaharap sa taong nagpalaki sa kanya matapos ang kanyang pag-alis.

Dahil sa pagkatalo niya sa hamon ng kanyang kapalaran, napagdesisyunan niyang tapusin ang kanyang buhay. Nagtakda siya ng araw bilang deadline ng buhay niya. Habang papalapit ang takdang araw na ito, unti-unting binabalikan ni Eugene ang kanyang nakaraan sa pagnanais na makitang mga ito sa huling pagkakataon. Dala ang kanyang journal, isinusulat ni Eugene sa mga pahina nito ang kanyang mga karanasan at saloobin. Ito ang nagsisilbing saksi sa bawat araw at hamong hinaharap ni Eugene.

Hindi inaasahan ni Eugene na sa kanyang pagbabalik-tanaw ay may matutuklasan siyang misteryo sa buhay ng ibang tao. Habang papalapit ang araw nakanyang pinakahihintay ay unti-unti naman niyang nakikita at nakikilala ang iba pang bahagi ng buhay.

Papalapit na ang deadline. Mahaharap si Eugene sa isang suliraning tanging siya lamang ang makakasagot. Sa mundo na balot ng walang kasigurohan, sino nga ba ang may hawak ng ating kapalaran?

“LIGHTHOUSE”

The lighthouse is her refuge, a witness to her budding romance, her fantasy. The story takes place in the summer of 2005.

Brie and her friends are back in their hometown, Vigan, for the summer vacation. Three different people, with different personalities, but one common hangout, the lighthouse.

Every morning, Brie goes to the lighthouse to watch the sunrise, drink coffee and exchange stories with her friends, and almost meet the man of her dreams (Wacky).

Brie and Wacky exchange short letters all throughout the summer. In the morning, Brie leaves a note for Wacky, and at night, Wacky leaves a note for Brie. Eventually, they established an unexplainable, and invisible bond between themselves.

There’d be times when they would almost cross paths, but never really meet face to face.

The story ends when school starts, which would bring the exchange of letters to an abrupt halt. But, on one fateful day in Baguio City, the wind blew through a bunch of Brie’s papers, letting loose the first letter she ever received from Wacky. Seconds later, Wacky picks it up and looks through the crowd for his “destiny,” faded in the shadows.

This is a story of a romance that passed by, like a beam from a lighthouse gone unnoticed. #

(This event is part of the requirement of Broadcast Communication 130 with a course title Broadcast Planning and Building. BC 130 is concerned with the concepts in and methods of broadcast programming, program planning and promotion.)


Home | Back to top

Previous | Next