Nordis Weekly, March 6, 2005
 

Home | To bottom

Previous | Next
 

Benguet SP tutol sa dagdag VAT

LA TRINIDAD, Benguet (Mar. 3) — Nagpahayag na di payag na aksyon ang Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Benguet sa panukalang pagtataas ng Value Added Tax o VAT na tinatalakay ngayon sa Kongreso.

Sa isang resolusyon, nagkaisa ang mga kasapi ng SP na tutulan ang naturang panukala dahil labis-labis na umano ang pinapasan ng mamamayan —” it will be the consumers who will shoulder and suffer the consequences of the VAT rate increase, and the lifting of VAT exemption on oil, power companies and professionals such as doctors and lawyers, because VAT is an indirect tax which can be transferred by the seller to the consumers”, banggit ng SP sa resolusyon.

Ayon kay Board Member Juan Nazarro Jr., sa halip na magpataw ng dagdag na buwis ay mas mainam na repasuhin na lamang ang mga batas ukol sa tamang pangungulekta ng buwis. Mas pinapaboran umano ng SP ang pag-alis ng exemption sa ilang produkto at serbisyong saklaw ng VAT.

Idinagdag ni Nazarro na hindi pa kakayanin ng mga mamamayan ang bagong pasanin dahil hindi pa sila nakakabangon sa mga nakalipas na krisis at kalamidad.

Sa isa namang pahayag, binati ng militanteng Tongtongan Ti Umili-Cordillera Peoples Alliance (TTU-CPA) ang Benguet SP sa hakbang nila laban sa VAT. Kinilala ng TTU-CPA ang hakbang na ito na katulong nila sa kampanya laban sa panukalang VAT.

Kinundena naman ng TTU-CPA ang mga mambabatas na bumoto pabor sa VAT.

“The congressmen who participated in the railroading of the House Bills seeking amendments to the VAT law voted in haste and without the benefit of consultation and thorough discussion. While they say that the amendments are needed to have a balance budget, we pose, that these tax measures will ultimately cause more harm than good for the majority of the people”, banggit ng TTU-CPA sa pahayag nito. # Joseph Cabanas/DzEQ


Home | Back to top

Previous | Next