MIGRANTE
MONITOR |
Nordis
Weekly, February 13, 2005 |
|
Previous | Next |
||
Pamilyang Pilipino, winawasak ng pag-aabroad — Migrante |
||
BAGUIO CITY (Peb. 4) — Pamilya ang dahilan kung bakit nakikipagsapalaran ang karamihan sa ating mga kababayan sa ibang bansa. Pamilya rin ang nakataya sa pakikipagsapalarang ito. Ayon sa Migrante-Cordillera, maraming pamilya ang nasisira dahil sa pangingibang-bayan ng mga magulang. Halimbawa na dito ang kaso ni Fe na limang taong nawalay sa pamilya. Si Fe ay tubong Ilocos region. Sa loob ng limang taong ito, tatlong taong naputol ang ugnayan nilang magpapamilya. Kaya’t laking gulat na lamang ng kanyang mga kaanak nang ibalita ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na namatay siya nito lamang Oktubre 2004. Ang higit pang ikinagulat ng kanilang pamilya, ay ang balitang namatay siya sa panganganak sa ikatlong anak niya sa isang Filipino-Chinese sa Taiwan. May asawa at isang anak na naiwan dito sa Pilipinas si Fe. Ayon kay Migrante Spokesperson Flora Belinan, ang kaso ni Fe ay isang halimbawa ng “social cost” ng pangingibang bansa ng mga Pilipino. Dagdag pa nito, marami pang ibang kaso ng tulad nito, mga mag-asawang naghihiwalay bunsod ng pangingibang bansa. Maliban sa paghihiwalay ng mga mag-asawa, aniya may mga kaso rin ng mga anak na napapariwara dahil nagtatrabaho sa ibang bansa ang kanilang mga magulang. May mga kaso rin umano ng mga asawang nagiging batugan, sugarol at lasinggero dahil nakadepende na lang sa buwanang padala ng kanilang kabiyak na nasa ibang bansa. Nariyan din aniya ang popular na kaso ng mga batang minamaltrato at inaabuso ng mga tagapag-alaga habang nasa ibang bansa ang kanilang mga magulang. “Hindi lang sa drama o pelikula nangyayari ang mga ito, halaw ito sa totoong buhay din,” giit ni Belinan. # Kim Quitasol para sa NORDIS |
||
Previous | Next |