|
NORDIS
WEEKLY December 12, 2004 |
|
Previous | Next |
||
Cagayan, di ligtas sa mga bagyo |
||
213 brgy. lumubog; 12,000 katao apektado ni Winnie, Yoyong TUGUEGARAO CITY, Cagayan (Dis. 8) — Hindi nakaligtas ang probinsya ng Cagayan sa pinsalang idinulot ng mga bagyong Winnie at Yoyong na sinalanta halos buong kapuluan ng Pilipinas. Sa partial na datos na nakalap, umabot sa 11,7077 katao ang apektado, tatlo sa mga ito ay namatay sa kasagsagan ng baha dulot ng walang tigil na pag-ulan at marami rin ang naipaulat na nawawala. Lumubog ang pitong bayan at ilang bahagi ng Tuguegarao City. Sa kabuuan, umabot sa 213 na barangay ang lumubog sa baha at 21 na kabahayan ang nawasak. Malulubog sa utang Samantala, itinuturing na pinaka-apektado ang mga magsasaka sa pinsalang idinulot ng bagyong Winnie at Yoyong. Umabot sa P207,903,075 halaga ng pananim ang ang nasira. Dahil dito inaasahan ng mga maliliit na magsasaka na muli silang gigipitin ng mga traders at mga panginoong maylupa. Nitong nakaraan, pinipilit ng mga maliliit na magsasaka na bayaran ang napalaking interes ng kanilang utang kahit na nasira ito sanhi ng mga kalamidad. Matatandaang nangyari ang ganitong senaryo sa bayan ng Baggao noong nanalanta ang bagyong Harurot ilang buwan na ang nakaraan. Dahil dito, ikinasa ng mga magsasasaka sa pangunguna ng KAGIMUNGAN ang kampanyang bura-utang. Nangangamba ngayon ang mga magsasaka sa ibat-ibang bayan ng Cagayan na muling samantalahin mapagsamantalang mga trader sa pamamagitan ng di pagpagpapautang, Kadalasan kasi sinasamantala ng mga traders at panginoong maylupa ang ganitong sitwasyon para gipitin kami. Wala naman kaming magawa at kailangan naming magtanim. Kung di kami magtatanim wala kaming ikabubuhay. At kung di kami uutang, di kami makakapagtanim. Kung di naman kami makapagtanim, di kami makakabayad ng utang hanggang sa lolobona ito at mismong kalabaw o lupa na namin ang kakamkamin nila,” himutok ng isang apektadong magsasaka. Sa kasalukuyan, itong baha na dulot ng bagyong Winnie at Yoyong ang itinuturing na pinakamataas na baha sa kasaysayan ng Cagayan.# Michael Agonoy para sa NORDIS |
||
Previous | Next |