NORDIS WEEKLY
November 28, 2004

 

Home | To bottom

Previous | Next
 

Planta ng serbesa, ipinapasara

MANAOAG, Pangasinan (Nob. 24) — Polusyon sa hangin ang direktang epekto ng ilang higanteng proyektong naitayo sa probinsya tulad ng Sual Coal-Fired Power Plant at ngayon, ang Alko Distillers sa bayang ito.

Inirereklamo ng mga residente ng apat na barangay ang patuloy na operasyon ng naturang planta ng inuming nakalalasing dahilan umano ng mabaho, nakalalasong kemikal sa hangin. Ayon sa mga residente ng barangay Mermer, Pantal, Baritao at San Ramon, ang polusyon sa hangin ay maaaring magdulot ng sakit o epidemya na tiyak na ikamamatay ng marami sa kanila.

Ilang residente ang tinamaan ng sakit sa asthma, sinusitis, pagkahilo at iba pang sakit sa baga na pinaniniwalaang bunsod ng operasyon ng naturang planta.

Bagama’t inireklamo na sa lokal na baranggay, hindi pa rin umano ito tinutugunan. Gayundin ang hindi pagtugon ng (Department of Environment and Natural Resources) DENR nang ipasa nila sa ahensya ang reklamo.

Gayunpaman, tiniyak ng lokal na pamahalaan na magsasagawa ng pangunang imbestigasyon upang matiyak ang kaugnayan ng planta sa mga sakit na nakuha ng mga residente.

Patuloy naman umanong magbabantay ang mga naghain ng reklamo upang tuluyang maipasara ang naturang planta. # Jong de la Cruz para sa NORDIS


Home | Back to top

Previous | Next