|
NORDIS
WEEKLY November 28, 2004 |
|
Previous | Next |
||
Seminarians, sumuporta sa Luisita strike |
||
URDANETA, Pangasinan (Nob. 24) — Walang pinaglagpas na araw ang mga miyembro ng Seminarians on Transformation and Nationalism (SOTANA) ng lokal na simbahan ng Iglesia Filipina Independiente sa pakikiisa nito sa mga manggagawa ng Hacienda Luisita. “Ang Hacienda Luisita ay isa sa pinakamilitarisadong lugar dito sa bansa na sumasalamin sa kapangyarihan ng mga mapagsamantala sa mga manggagawa na wala ng ibang inaasahan kundi ang lupa, na pag-aari pa rin ng mga ganid na Cojuanco,” ayon sa statement na ipinalabas ng grupo. Nasaksihan ng mga myembor ng SOTANA kung paano marahas na idinspers ang mga bata at magulang na sumama sa pagputok pa lamang ng welga. Ayon sa SOTANA, “Ang PCPR (Promotion of Church People’s Response)-Gitnang Luzon kasama ang SOTANA na kumakatawan sa IFI ay tumuloy sa Hacienda Luisita sa paanyaya ng mga tao sa loob upang idaos ang misang bayan, subalit ang taong simbahan ay hinarang sa main gate ng mga blue guard at ng mga kapulisan at tumagal ng halos isang oras na negosasyon”. Matagumpay namang naidaos ang isang misang bayan sa harap ng gate 1 ng Central Azucarera de Tarlac ng mga taong simbahan at ng mga nagpipiket, kasama ang mga kapamilya ng mga ito. “Nobyemre 15 nang may nagpaabot ng balita na nagkaharap-harap na ang magkabilang hanay ng mga manggagawa at kapulisan. Ang SOTANA ay muling tumugon sa panawagan kasama ang musik instraktor na si Padre Mario Quince”, dagdag ng SOTANA. Sa gitna umano ng dispersal at paggiit ng apektadong manggagawa isinagawa ng mga SOTANA ang sinanay na awit. Samantala, nakilala pa umano ng ilang myembro nito ang mga napaslang sa marahas na dispersal na nagbuwis ng buhay ng 14 katao. “Handa kaming tumugon sakaling kailanganin ng mga manggagawa ang aming tulong,” sabi ni Mark Ordillano, tagapangulo ng SOTANA. # Jong dela Cruz para sa NORDIS |
||
Previous | Next |