|
NORDIS
WEEKLY November 21, 2004 |
|
Previous | Next |
||
4 Abra pulis, patay sa engkwentro |
||
BAGUIO CITY (Nov. 19) — Apat na sundalo mula sa pinagsanib na puwersa ng 41st IB at Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ang namatay at dalawa pa ang nasugatan nang mapa-engkwentro ang mga ito sa Agustin Begnalen Command ng New People’s Army sa Abra (ABC-NPA-Abra) noong Nob. 12 sa barangay Danglas, Abra. Ayon sa isang kalatas na pinadala sa masmidya, sinabi ng ABC-NPA, na kasalukuyan silang nagtatayo ng kampo sa naturang barangay nang sumalakay ang mga sundalo ng gobyerno. Sa halip na nakubkob, ayon sa pahayag, ang mga pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan ang nangkubkob at nakaatras sa isang ligtas na lugar. Samantala, apat na magsasaka ang inaresto nang maglunsad diumano ng pursuit operations ang mga sundalo ng gobyerno at nanalanta sa mga magsasaka ng Danglas at Nagaparan. Inaresto sina Peping Cabradilla, Nestor Calope, Judy Cuesta at Carmelo Tauro. Bukod sa pang-aaresto, sapilitang pinasok at hinalughog ng mga sundalo ang limang bahay. Nanirahan umano ang mga ito ng walang paalam sa mga bahay. Pinagbawalan ng mga sundalo ang mga magsasaka na lumabas at magtrabaho sa bukid. Nasira rin umano ng mga dumaang sundalo ang mga palayan at mga uma. Ilang manok din ang naitalang nawala dahil sa operasyong ito, ayon sa mga residente. # via NORDIS |
||
Previous | Next |