When Dissent Becomes ‘Terrorism’
4 MIN READCounter-terrorism frameworks, red-tagging, and preventive designation systems are turning political participation, land struggles, and environmental defense into security risks.
Ni ARTEMIO DUMLAO
www.nordis.net
Habang maraming lalawigan sa bansa ang ngayon pa lamang nagsisimulang umangkop sa bagong polisiya sa pagbili ng palay, matagal nang napagtanto ng Isabela na hindi sapat ang puro ayuda at pangakong suporta upang mailigtas ang mga magsasaka mula sa kahirapan.
Tinahak ng Isabela ang pagbibigay sa mga magsasaka ng mas matatag na kita, mas direktang access sa merkado, at proteksiyon laban sa mapagsamantalang sistema ng bentahan bilang solusyon.
Sa loob ng maraming dekada, karaniwang naiipit ang maliliit na magsasaka sa pagitan ng mababang presyo sa farmgate at mataas na gastusin sa produksyon. Kapag bumagsak ang presyo ng palay, sila ang unang nalulugi. Kapag tumaas ang presyo ng bigas sa merkado, madalas ay hindi rin sila ang tunay na nakikinabang. Ang pinakamalaking kita ay napupunta sa mga traders at middlemen na may kontrol sa hauling, storage, at pagbebenta.
Bago pa man inilabas ang Executive Orders 100 at 101, nakapaglatag na ang Isabela ng sarili nitong sistema upang direktang tulungan ang mga magsasaka. Naitatag ang Nagkaisang Magsasaka ng Isabela Agriculture Cooperative (NMIAC) noong 2019 upang bigyan ng lakas sa merkado ang mga lokal na rice farmers matapos ang epekto ng Rice Tariffication Law.
Hindi ito simpleng kooperatiba kundi isang konkretong mekanismo upang mapanatiling may disenteng presyo ang palay. Sa pamamagitan ng ₱5 kada kilong premium sa pagbili, mas nakahinga ang mga magsasakang dati’y napipilitang ibenta ang kanilang ani sa mababang halaga dahil wala silang ibang mapuntahan.
Ipinapamalas ng lalawigan ng Isabela ang maagap na pagpapatupad ng mga hakbang. Hindi na naghihintay ng problema bago kumilos; bagkus, inuuna ang krisis bago pa lumala.
Habang maraming lugar noon ang nagrereklamo sa pagbagsak ng presyo ng palay, naghahanda na ang Isabela ng procurement system, hauling support, at digital farmer tracking upang protektahan ang maliliit na producers.
Ang mas kahanga-hanga pa’y hindi lamang natapos ang programa sa pagbili ng palay kundi pati na rin ang pagtatayo ng Isabela Rice Processing Center sa bayan ng Echague upang manatili sa probinsiya ang dagdag na halaga ng produksyon. Samakatuwid, hindi lamang ang magsasaka ang nakikinabang kundi pati na rin ang ekonomiya ng Isabela.
Kanya’t pagseseryoso ang pamahalaan sa pag-ahon ng agrikultura; hindi sapat ang papoging ceremonial distribution ng ayuda, kundi ang pagbabago sa mismong sistema kung saan madalas na dehado ang mga magsasaka.
Ang pakikibaka kontra kahirapan sa kanayunan ay hindi lamang usapin ng produksyon ng pagkain, kundi pati na rin ng maayos na pamamahala.Ipinakita ng Isabela na ang maagang pagpaplano at pagmamalasakit ay maaaring maging pinakamabisang sandata upang mapabuti ang buhay ng mga magsasaka mula sa paulit-ulit na siklo ng pagkalugi at pagkalugmok sa kahirapan.#nordis.net
Editor’s note: The opinions expressed do not reflect the views or positions of Nordis. They are published to encourage open dialogue and diverse perspectives. Nordis reserves the right to edit for clarity and length, but the opinions remain solely those of the author.
4 MIN READCounter-terrorism frameworks, red-tagging, and preventive designation systems are turning political participation, land struggles, and environmental defense into security risks.
3 MIN READBesides opening doors for intricate human stories, this annual showcase of bold and untested works continues to draw acclaimed directors, well-known actors, and diverse, enthusiastic audiences.
2 MIN READKapag ang gamot ay naaagnas sa bodega habang may mga pasyenteng walang malunasan, hindi lamang pera ng bayan ang nasasayang—maging ang tiwala at buhay ng mamamayan ay unti-unting nililibing.
2 MIN READCaution is something the Philippine government should take into account, especially now that the country is preparing for wider AI training, school partnerships, government adoption, and AI-related investments.