Sunflower as Symbol of the Fight Against Misogyny
3 MIN READThe Sunflower Parade aims to remind the world that women and children have rights that need protection and deserve it, and to affirm that these Filipino women are not alone.
By JACI MARGARET BERNARDO
www.nordis.net
Ang sabi nila, ang natatangi kong kalaban ay ang aking sarili, ngunit sa isang komunidad kung saan ang lahat ay magaling, paano ko maiiwasang ikumpara ang sarili ko sa iba?
Lumaki akong naririnig ang mga salitang “tignan mo si ganito, tignan mo si ganyan” at ang kasabihang “kung kaya nila, kaya mo rin.” Marahil ay winiwika ito upang makakuha ako ng inspirasyon mula sa iba, upang sila’y tularan, o di kaya’y maging katulad nila. Ngunit habang tumatagal ay hindi inspirasyon ang napulot ko mula sa mga salitang iyon, kundi ang pakiramdam na hindi ako kailanman magiging sapat.
Tatlong taong gulang ako noong unang pumasok sa paaralan. Sabik at galak ang aking naramdaman at ni hindi ako kinabahan. Isa ako sa mga batang ayaw nawawalan ng pasok dahil masaya ako sa apat na sulok ng silid. Wala sa isip ko noon ang medalya at sertipiko na maaaring makuha, ngunit nasanay akong umaakyat ng entablado tuwing pagtatapos ng panuruan. Hindi ko inakala na iyon ang simula ng mga ekspektasyon ng mga tao sa musmos na ako, bagay na nadala ko sa bawat pag-angat ng antas.
Subalit hindi ako nanatili sa itaas. Ang buhay ay tila ruweda na umiikot at unti-unting nasisira habang pababa ako. Mula sa pagiging estudyanteng masayang pumapasok, nakakakuha ng matataas na grado, at sanay sa pagkapanalo ay napunta ako sa sitwasyon kung saan kahit anong aral ang gawin ko ay may mas aangat pa rin.
Mataas na ranggo ang pangalawa, pero dahil sa inaasahan ng tao sa akin ay natakot akong bumaba mula sa una. Hindi dapat ito maramdaman ng isang estudyanteng natututo, dahil higit na mas mahalaga sa pwesto ang mga natutunan mula sa bawat siphayo.
Minsan ko nang naisip na sana’y hindi na lamang ako naging magaling. Baka sakaling hindi ako humarap sa matataas na ekspektasyong hindi ko alam kung kaya ko bang abutin at marahil ay hindi ko kailanman maaabot.
Alam kong malaki ang tiwala ng mga tao sa akin, lalo na ng aking mga magulang na nakita ako mula pagkabata kaya nila ako tinutulak na mas pagbutihin pa. Subalit isang bagay na sa tingin ko ay hindi nila nakikita ay hindi na ako ang batang kasing talino at kasing galing na kanilang kinagisnan. Umabot ako sa puntong nagpupursigi na lamang ako dahil takot akong mas mabigo pa sila.
Mahirap tanggapin na hindi ako ang magiging bersiong nais ng aking mga magulang, dahil iyon din ang bersyong minsan kong ginustong maging para sa kanila. Hindi man madali ay kailangan kong isipin ang mga natutunan kong mas mahalaga kaysa paghabol sa mga ekspektasyon, kasabay ng pagpili sa mga bagay na totoong nais ko at pagtanggap sa kung ano ang tunay kong makakaya.
Kung hindi siguro tayo dinidiktahan ng lipunan kung ano ang dapat nating gawin at kung ano ang dapat nating maging ay mas mararamdaman natin ang totoong konsepto ng tagumpay. Makakabuo ang bawat bata ng ambisyong nakabatay sa kanilang nais at ikasasaya, at hindi sa kailangan nilang gawin upang maging mas magaling sa iba.
Hindi lahat ay nagawang harapin ang presyur sa akademiko sa paraang ginawa ko. Marami ang hindi kinaya ang bigat ng sitwasyon at lubhang naapektuhan hindi lamang ang kanilang pag-aaral kundi pati ang kanilang kalusugan.Hindi kailangan ng mga estudyante ang dagdag bigat na higit pa sa kanilang gawaing pampaaralan. Ang kailangan nila ay sapat na suporta upang makamit ang kanilang mga pangarap.#nordis.net
Editor’s note: The opinions expressed do not reflect the views or positions of Nordis. They are published to encourage open dialogue and diverse perspectives. Nordis reserves the right to edit for clarity and length, but the opinions remain solely those of the author.
3 MIN READThe Sunflower Parade aims to remind the world that women and children have rights that need protection and deserve it, and to affirm that these Filipino women are not alone.
2 MIN READDahil walang tuloy-tuloy at transparent na aksyon ng mga kinauukulan kontra sa mga sugalan, lumalabo na ang linya sa pagitan ng kapabayaan at pakikipagsabwatan.
4 MIN READAs petroleum prices continue to surge, the journey to seek medical care is becoming increasingly difficult for countless Filipino families, particularly those in rural and geographically isolated areas.
3 MIN READDevelopers, researchers, and open communities create a counterweight. That is why support for developers and open communities matters more now.