Select Page

COLUMN | DANCING DAYS

Panagbenga, A Dream, Panaglagip
February 25, 2024
3 MIN READ
By IVAN EMIL LABAYNE
www.nordis.net

I had fond memories related to Panagbenga, staying at home, in Kitma, in Parisas, in Cab Hill, in Chapis, in all the lovely, secluded, or peripheral barangays of Baguio where the boom boom pows and boom boom boxes of La Trinidad flowers could not reach.

Maybe I was reading Tita Lacambra-Ayala’s Pieces of String and Other Stories, taking a “ritualistic nap;” or Julian Villaruel’s “QC Room Reviews,” speaking of “potted plants whose existence straddles between real and simulated,” and “stuffed toy and special pillows [as they] conspire on one corner.” One time, after the weekend festivities in Baguio, during Session in Bloom, shawarma and vigan empanada conspired in the city’s longest street, grilling the people with its wafting, meaty smoke.

*** *** ***

Nothing new about Panagbenga, meron ba, I haven’t been there e. Ikaw ba nakapunta? Email mo naman ako sa ivanlabayne@gmail.com, kung may nakita kang nakahahalina, nakaaantig, nakababagot, nakagagalak. Be multilingual please, code-switch kung ie-email niyo ako. Nababagot na ako sa bilingualism ko e; gusto ko naman ng mga red and yellow flags na may logo ng payaso, nagbebenta ng retaso. Let a thousand flowers bloom raw. Mula sa “Framing margins: Mao and visuality in twentieth-century India” ni Sanjukta Sunderason, isang pagsipi sa artikulong pinamagatang “Calcutta Everyday” na nilabas ng “far-left periodical Frontier in 1969”: “Perspiration. The odour of it. A dilapidated CSTS bus emitting a morbid trail of black smoke… a building which cannot quite decide whether it should crumble on to the pavement right now or three-quarters of an hour later. … Beggars, pickpockets, policemen in worn-out uniforms, a hydrant leaking since morning. A sharp nor’ wester, flooding the streets, a couple of tired trees come down on top of the power line…”

Dahil ba malamig sa Baguio at Pebrero pa rin namang matututing ang Panagbenga kahit parang nagsisinungaling na ang temperatura, wala nang anghit at pawis na malagkit habang nagkokodakan ang lahat tuwing piyesta ng bulaklak? Tutumba na ba ang Laperal o ang rooftop ng Porta Vaga dahil sa bigat ng mga taong nagnanais na makapagkodak habang rumarampa sa kalsada ang mga taong-bulaklak, mga mabulaklak na salita? Maaari na lang bang mapunta sa kalsada ang Maoismo kung aangkinin ito ng payaso galing Amerika na nagngangalang Ronald Duck Profitdonald? Ano kayang lasa ng Panagbenga ngayon? Shawarmang binebenta sa kanto, o gasgas na uniporme ng mga nag-perform, kasing pagal ng mga punong pinutol noon sa mall, sa BGH flyover, sa Legarda Road, sa Jungle Town, mga puno sa Calcutta na sumasabit sa sanga-sangang linya ng kuryente.

*** *** ***

Wala na ako sa Panagbenga kaya magpapakwento na lang sana sa inyo kung anong naranasan niyo sa Baguio habang umuulan ng mga bulaklak at init. May sapat na water supply naman ang transient houses? Hindi naman nagbara ang mga inidoro? Nakasakay naman kayo ng taxi para makarating sa Baguio Cathedral mula Upper Session? May Igorot pa bang available para makapag-picture with you for fifty pesos? Ginagawa pa ba nila yun? Ginagawa pa ba natin iyon? Email niyo naman ako, nasa taas ang aking address. Hindi na ako taga-Baguio, pero pwede pa rin tayong magkita nang hindi nagkikita sa world wide web.

Mula sa “Morisis ni Sais” ni Tilde Acuña, perspective ni Moses o Moi o Marcos VI (apo sa tuhod, o sa big toe (?) ni Sandro) habang buong pagmamalaking nilalarawan ang Neon Filipino, ang reimbesnyon ng Nayon Filipino na pet project ng kanyang mandarambong na pamilya: “I liked the ‘Around the Philippines without Leaving the District’ half-day package, or was it set, very much. You get to go to Sagada, and have pictures with the Igorots. They even simulate the practice of handing over twenty pesos, or so, or more, to natives so you can wear their costumes, wield their weapons.”

Humihinga na ba ang siyudad ngayon? Bukas simula na ng Session in Bloom. Naitatag na ba ‘yung bundok ng mga basura? Sana tumaas pa ng tumaas, tapos papuntahin natin yung mag-asawang Villar, iyong naliligo sa basura saka yung nagpapatag ng mga bundok para gawing basurahan. KJ na ba masyado? Backpedal na ako by saying “JK” lang? Haan nga mabalen. Sana nakadala kami ng comforter. Medyo malamig kasi sa terminal ng Victory at Genesis. 6 AM pa raw ang next trip. Miss you Baguio, hanggang sa susunod na piyesta, hanggang sa susunod na parikala. # nordis.net

Share This
Verified by MonsterInsights