FEATURE| December 6, 2009
< 1 MIN READBy ADELA WAYAS
www.nordis.net
Nalalaman mo ba ang iyong katauhan
Dito sa lupang iyong kinatatayuan
Sa ilang taong ika’y nabubuhay
Sa bawat pagbuo ng ating kasaysayan?
Makabayan ka ba sa pagsusulat ng kasaysayan,
Manunulat ng katotohanan at ng mamamayan
O isang manunulat na uhaw sa katanyagan
Kayat kinalilimutan ang pag-ibig sa bayan
Ikaw ba’y artista ng bayan?
Ang linya ay mga isyung panlipunan
O isang tunay mapagpanggap at walang pakialam,
Basta’t makilala sa mundong ginagalawan.
Makabayan ka bang turing sa iyong tungkulin
At ang bayan ay di pinagtataksilan
O isang pulitikong ganid sa pagkamkam sa kaban ng bayan
Mapagsamantala sa naghihirap na mamamayan?
Ikaw ba’y makabayan,
Na pagbabago ang inaasam
O isang taong walang pakialam at nagbubulagbulagan
Sa katotohanang tayo ay inaapakan at pinagsasamantalahan?
Makabayan ka nga bang talaga
O sadyang walang pakialam at ayaw lumaya?# nordis.net